[Nathalia P.O.V]
Nakatingin lang ako sa bahay nila Dara.
"Bestfriend, Okey lang yan. Maliit pa yan" sabi nya.
"Ah" sabi ko at hinatak nya ako papasok.
Pagpasok namin, sala agad nila ang sumalubong. Halata namang mayaman sila dahil sa laki palang ng bahay at sa itsura ng loob nila.
"Chichi!" Tawag ni Dara at nakita kong may tumatakbong cute na aso.
"Aw!Aw!Aw!" Tahol nya at kinuha sya ni Dara.
"Chichi, eto si Nathalia, ang bestfriend ko! Bestfriend! Hawakan mo sya oh!" Sabi ni Dara at kinarga ko naman.
"Ang cute nya" sabi ko at tumango sya.
"Regalo sa akin yan ni Dad nung grumaduate ako ng Highschool!" Masaya nyang sabi at tumango ako.
Buti pa sya, nasaksihan ng daddy nya ang graduation nya, samantalang ako? Hay...
"Baby Dayna, Oh! And who is this beautiful Lady Huh?" Tanong nung isang babaeng kabababa lang.
Ang ganda nya, siguro mid20 lang sya. *0*
"Mommy naman! Don't call me Baby, infront of my bestfriend!" Sabi ni Dara at napangiti ako. Mommy nya pala yan.
"Ah- ah Hello po, Magandang hapon po." sabi ko at ngumiti sya sa akin pero biglang nagpanic ang mukha nya.
Hindi kaya kilala nya ak--
"Nakalimutan ko Baby! Hindi ako nakapagluto! Okey lang ba kung maghintay muna kayo?" Tanong ni Mommy ni Dara
"Mommy naman! Hay.. Pero, Bestfriend! Tulungan nating magluto si Mommy!" Sabi ni Dara at ako tumango na lang.
Nagpunta kami sa kitchen nila at habang inihahanda ng mommy ni Dara yung mga lulutuin sinusuot na namin yung apron.
"Uhm, mommy ni Dara po, Ano po bang lulutuin natin?" Tanong ko at ngumiti sya sa akin.
"Ow, I forgot to introduce myself. Im Cassandra, And dahil bestfriend ka naman ng anak ko, you can call me Mommy Cass too.." sabi nya at ngumiti ako. At tumango.
"Magluluto si Mommy ng ulam, kaya tayo ang magbe-bake for the cake!" excited na sabi ni Dara at tumango nalang ako.
Nagsimula na kaming magbake, although may alam naman ako pagdating sa ganito dahil si mommy, tinutulungan ko dati.
Ako ang naghahalo ng egg habang si Dara inihahanda pa ang mga ibang gagamitin.
-----
-JD P.O.V
"Anong problema mo dyan Lance?" Tanong ko kay Lance dahil kanina pa tahimik.
"Wala." sabi nya at tumango lang ako.
"Hi Babe!" Harang nila Megan sa daan namin.
"Diba suspended ka? bakit ka pa andito?" Tanong ko at yayakap sana sya pero umiwas ako.
"Bukas pa naman yun magsisimula diba?" Sabi nya at umiling ako.
"Bakit ba galit na galit ka sakin?" Tanong nya sa akin.
Dahil sinaktan mo ang kapatid ko!
"Dahil ikaw lagi ang nagsisimula ng gulo!" Sabi ko at natahimik lang yung tropa ko.
"Teka nga? Ano ba ang pake-elam mo kanina? Ha? Dun sa babaeng yun at sa Nerd na yun?" Mataray na sabi nya.
Hindi ko alam pero naiinis ako.