TP10 (Sorry?)

2.2K 60 0
                                    

-Nathalia P.O.V

"Sophia!" tawag ni JD sa akin.

"JD! Bakit?"Tanong ko

"Tara?" sabi nya at akmang kukunin yung bag ko pero...

"JD, tapos na. Tama na" sabi ko at halatang naguluhan sya.

"Ha?"

"Yung sa contract. Nag-expired na." sabi ko.

"Nathalia!" Sigaw ni DEN kasama si Dara at Raven.

"Sige JD. Salamat. " sabi ko at iniwan sya.

"Nawalan tayo ng pasok ngayon! Tara! Gala!" sabi ni Raven

"Ha? Bakit?" tanong ko.

"Nagkaroon daw ng meeting ang teachers" sabi ni DEN at tumango lang ako.

"Sa bahay mo tayo Bestfriend!" sabi ni Dara at napa-iling ako.

"Wala tayong magagawa sa bahay." sabi ko.

"Sa bahay ng Castillio." sabi nya at nanlaki ang mata ko.

"Tara Crush!" Aya ni Raven

"Tara Nathalia?" Tanong ni DEN

"Please Bestfriend, please??" Pupppy eyes ni Dara at natawa din ako.

"Sige na nga!" sabi ko. Bahala na.

"Great! Isama natin sila Lance, CJ, Walter at si JD!" sabi ni Raven at buti nalang nagsalita si Dara

"Ate Jen. Hindi kasi pwedeng madami sa bahay nila. Tyaka mas maganda kung tayo muna diba?" sabi ni Dara at tinignan ako. Kaya nginitian ko sya.

"Hmm.. Sabagay! Para masolo natin si Crush!" sabi ni Raven at naglakad na kami.

---

-Kevin P.O.V

"Sabi ko na nga ba, hindi ako nagkamali ng desisyon!" Masayang sabi ni Mr. Dennis habang nakikipag-kamay samin ni Lolo

"Papasimulan ko na po ang construction this following week" sabi ko at tumango sya.

"Sige po, Mr. Dennis, mauuna na po kami" sabi ko at tumango sya.

"Kevin, iwan mo na muna ako dito. May mahalaga lang kaming kailangang pag-usapan ni Dennis." sabi ni Lolo at tumango na lang ako.

Na-i-close ko ang dealing namin ng mga Villapuerte. Kung tutuusin, bakit ngayon ko nga lang ba naisip na maki-pagkasundo sa kanila? Kung alam ko namang ika-aangat din ito ng dalawang companya?

Nakarating agad ako sa bahay at pagka-pasok ko. Nakaramdam ako ng lungkot.

Kamusta na kaya ang baby Nath ko? Sana ayos lang sya. Di bale, malapit nang maglimang buwan.

Dati naaalala ko pa kung paano kami maglaro at maghabulan dito.

----

-Nathalia P.O.V

"Matagal pa ba tayo Crush? Ang sakit na kasi ng paa ko" reklamo ni Raven.

"Mag-tyaga ka nga!" bulyaw ni Dara.

Sinabi ko kasi sakanilang magcommute nalang kami, kahit na nag-alok si DEN ng kotse. Ang totoo nyan kasi, natatakot ako. Oo natatakot na kinakabahan. Kaya mas maganda sigurong matagal.

"T-Teka! M-mansion ito ng C-Castillio ah!" Kabadong sabi ni Raven at ni DEN ng nasa tapat kami ng bahay.

"Ano, reklamo pa?" Tanong ni Dara at napangiti ako. Para kasi syang batang napipikon. Ang kyot!!

"Dito ka nakatira Nathalia?" Tanong ni DEN.

"Dati, bago ako umalis" sabi ko at tumahimik sila.

"Tara." sabi ko at mukhang nagtaka sila dahil naglakad ako.

"Saan?" sabay-sabay nilang tanong.

"Shortcut." sabi ko at sumunod sila.

Sa Garden kami dumaan at tyaka pumasok sa bahay.

"Ang laki pala talaga!" Manghang sabi ni DEN

"Ang yaman at swerte mo Crush! Ikaw pala ang nag-iisang prinsesa ng Castillio na ayaw ipakilala sa lahat!" Sabi ni Raven.

"Bestfriend." yun nalang ang nasabi ni Dara at ngumiti lang ako at nagsign na huwag maingay.

Sa may kitchen kami dumaan at wala pang nakakakita samin. But. May isang lalaking nakatalikod na nakaharap sa refrigirator.

"Sino sya?" tanong ni DEN.

"Hey!" napatingin kami kay Raven ng tawagin nya ito kaya napahilamos ako ng mukha.

Si Dara naman agad tinakpan ang bibig ni Raven.

"Baby Nath?" lumapit papunta sa akin si Kuya Kevin at niyakap ako.

"Akala ko hindi ka na babalik" sabi nya at napansing may kasama ako.

"May kasama ka pala" sabi nya at nginitian sila.

"Ang cute mo po. Hehe Joke! Ako nga po pala si Jennifer Estude!" Pakilala ni Raven.

"Uhm, David Ethan Navarro po. K-kaibigan ni Nathalia." nahihiyang sabi ni DEN

"Dara Lopez po. Bestfriend ni Nathalia" sabi ni Dara at tinignan ko syang mabuti at umiling.

"Sorry! Ako po si Dayna Rhianne Villapuerte! Sorry po! Pero kaibigan ko talaga si Bestfriend!" sabi ni Dara at natawa kaming lahat.

"Ano ka ba, Rhianne, okey lang sa akin. Uhm. Pwede ko bang makausap sandali ang baby ko? Yaya! Paki-asikaso naman yung mga bisita ni Babu Nath!" sigaw ni Kuya Kevin at hinatak ako papunta sa pool area.

"Akala ko talaga hindi ka na babalik" panimula nya

"Kuya, nagpumilit lang naman sila kaya nandito kami" sabi ko.

"Aalis ka ba ulit?" tanong nya at tumango ako.

"Im sorry Baby Nath." nagulat na lang ako ng bigla nya ulit akong niyakap.

"Kuya?" Tanong ko.

"Ang laki ng pinagbago mo! Unti-unti ka ng bumabalik sa dati Baby Nath. Im happy for you" sabi nya at niyakap ko sya.

"Kuya... I-Im s-so-sor-sorry!" sabi ko at halatang nagulat sya.

"Sorry?" tanong nya at tumango ako.

"Sorry Kuya Kevin kung nagalit ang lolo at nag-away sila ng lola dahil sa akin. Gusto ko lang naman maranasan yung buhay bilang isang normal na tayo" sabi ko at mas lalong humigpit ang yakap nya.

"Baby Nath. Bumabalik ka na nga talaga sa dati!" Masayang sabi nya at nagulat ako dahil may luhang tumulo sa mata ni kuya.

"Kuya, bakit ka umiiyak?" Natatawang tanong ko.

"Wala baby Nath. Wala. Masaya lang ako." sabi nya at niyakap ulit ako.

"I won't let anything ruin your happiness." bulong nya at napangiti ako.

"Sige na kuya, aakyatin ko lang yung mga kaibigan ko. Wala kasi kaming pasok kaya nagkayayaan." sabi ko at tumango sya.

Naglakad ako papuntang sala at nakita kong nanonood sila doon.

Si Raven feel at home na nakahiga sa long sofa at si DEN inililibot ang mata sa buong bahay habang si Dara may katext.

"Feel at home?" tanong ko

"Pwede bang dito nalang ako tumira Crush? Ang sarap-sarap ng buhay mo!" sabi nya.

"Manahimik ka nga Ate Jen! Ang yaman-yaman mo pero kung umasta ka kala mong mahirap!" sabi ni Dara.

"Parang madami ata akong kailangang malaman?" sabi ni DEN at tumango ako.

"Tara sa kwarto" aya ko sa kanila at agad tumalon pa tayo si Raven. Ibang klase talaga.

The Pretender (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon