TP7.2 (Truth)

2.6K 70 1
                                    

Nathalia P.O.V

Maaga akong pumasok kahit sobrang sakit ng ulo ko.

Tatlong araw na kong hindi nakapasok. Siguro naninibago parin ako sa buhay ko ngayon.

"Sophia!" Napatingin ako kay JD na naka-abang sa akin sa gate.

"J-JD!--Ahh-" Nagulat ako dahil para akong nahilo kaya para akong nabuwal buti nalang nakalapit agad sya sa akin.

"Anong nangyari sayo Sophia? Okey ka lang ba? Tatlong araw kang nawala." Sabi nya at tumango ako.

"M-masakit lang yung ulo ko JD" sabi ko at napatingin ako sa mata nya.

Lub.dub.lub.dub.

Pero agad ko ding binawi yun.

"BESTFRIEND!" Napangiti ako sa sigaw ni Dara.

"Dara!" Nakangiting sabi ko at nilapitan nya ko.

"B-Bestfriend?" Nagulat na tanong nya dahil bigla ko syang niyakap.

"Namiss kita Dara." I whispered in her ears.

"Ahaha.. Bestfriend? Ano bang nangyari sayo at nawala ka ng tatlong araw? Tyaka namiss din kita! Alam mo bang wala kong makasama?" sabi nya habang yakap ako.

"You look pale bestfriend. Okey ka lang ba?" Tanong sakin ni Dara at ngumiti ako.

"A-ayos lang ako." sabi ko at ngumiti sya sa akin.

"Tara na sa Room Sophia.." sabi ni JD at tumango lang ako.

Naka-alalay sya sa akin habang naglalakad. Si Dara naman hindi tumitigil sa panga-ngatyaw.

"JD, pahiram naman ako ng notes" sabi ko at ini-abot nya sa akin yung notebook nya...

"Anong nangyari sayo Sophia?" Tanong nya.

"May inasikaso lang ako" sabi ko habang nagsusulat. Wala pa naman kasi yung professor namin.

"Hindi ka rin namin makontact ni Rhianne" sabi nya at agad kong kinuha yung phone ko at binuksan ko yun. Inilapag ko sa gilid yung phone ko at tumango lang sya.

"Nathalia!" Napatingin ako sa nagsalita at mabilis na nagpunta sa pwesto ko.

"Lance.." sabi ko.

"Ano okey ka lang ba? Anong nangyari sayo? Teka, wag ka ng kumopya ng note, ginawan na kita oh" sabi nya at inabot ang outlines.

"S-salamat" sabi ko at ngumiti sya sa akin.

Ibinalik ko yung notebook ni JD at pumunta sya sa upuan nya.

Nagnap ako dahil hindi talaga ako nakatulog sa loob ng tatlong araw. Hindi kasi ako komportable dun sa higaan. Masakit sa likod.

"Sophia.." bulong ni JD kaya ini-angat ko yung ulo ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Sumama ka sakin." sabi ni JD at lahat nagulat ng bigla nya akong kaladkarin.

"Damn! JD! Bitawan mo ko!" Sabi ko.

"JD! Nasasaktan si Nat--"

"Tumigil ka Lance! Wala kang alam!" Sigaw nya at napapikit ako.

Hindi ko alam kung saan nya ako dinala pero naramdaman ko ang simoy ng hangin. Nasa rooftop kami.

"Bakit mo ko dinala dito JD?" Tanong ko.

The Pretender (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon