[Nathalia P.O.V]
Naglalakad na ko pauwi ngayon. Ang sarap ng simoy ng hangin.
"Ate, bili ka na po. " Napatingin ako dun sa batang humarang sa akin.
Umupo ako para mapantayan ko sya at tinignan.
"Magkano isa?" Tanong ko.
"10 piso po Ate, Tatlo na po ang laman nyan. Bumili ka na po ate, sige na" Sabi nung batang babae sa akin habang ipinapakita ang hawak nyang nakabalot na yema.
10 pm na, pero itong batang ito nandito parin. Nagtitinda.
"Sige, bibilin ko na lahat" sabi ko sa kanya at nakita kong nagliwanag yung mukha nya.
Inabot ko na ang pera at nakatingin lang sya dito.
"Ito na ang bayad." Sabi ko
"Wala po kasi akong panukli dyan ate. 210 lang po. Pero ang pera nyo po ay----" Agad kong pinutol ang pagsasalita nya.
"Sa iyo na yan." Sabi ko at nagulat ako ng bigla nya akong niyakap.
"Ate! Maraming salamat po! Malaking tulong po ito para sa nanay kong nasa hospital!" Sabi nya at napangiti ako.
Her mommy is in the hospital.
"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya at umiling sya.
"Hindi na po ko kumakain kapag gabi, kasi dumidiretso na po ko kay nanay, pagkatapos ko pong magtinda" sabi nya at tumango ako.
"Bakit nasa hospital ang nanay mo? Anong sakit nya?" Tanong ko
"Sa totoo lang po, wala na pong sakit ang nanay ko, Isang buwan na. Ngalang ayaw po syang palabasin dahil wala po kaming pangbayad sa hospital. Uhm, Ate, sige na po, una na po ko." sabi nya at tumayo na ko.
"Samahan na kita" sabi ko at ngumiti sya
------
"A-Anak! S-sino a-ang kasama mo?" Tanong ng nanay nung bata.
"Nay! Siya nga pala si Ate---"
"Nathalia. Nathalia po, Sinamahan ko lang po si May dito" sabi ko. May ang pangalan ng bata.
"Ah ga-ganun ba? S-sige salamat" sabi nung nanay nya.
"Ano pong pangalan nyo?" Tanong ko
"Maria Dolores Santos. Iha." Pakilala nya at ngumiti ako.
"Pwede na po kayong makalabas bukas." sabi ko at naglakad na. Alam kong naiwang gulat ang mag-ina.
-------
Pauwi na sana ako pero biglang may humarang sa aking dalawang tao. Isang lalaki at isang babae.
"Princess. Ikaw nga talaga." Sabi nung lalaking kulay red ang buhok.
"Sino kayo?" Malamig na tanong ko.
"Ow my dear Sophia, have you already forgotten us? But, It's okey mawawala ka narin naman." Sabi nung babaeng kulay green ang buhok sabay tutok ng baril sa akin.
*Bang!
"Anong kailangan nyo sa akin?!" Tanong ko matapos mailagan yung bala ng baril.
"Your Death." Nakangising sabi nung lalaki at pinaputukan ulit ako.
Umilag ako pero sunod-sunod ang pagputok ng baril nila kaya napaupo ako at agad akong nilapitan nung babae.
![](https://img.wattpad.com/cover/24506768-288-k367557.jpg)