[Nathalia P.O.V]
"One Jack Daniels" Sabi ko sa bartender at inabutan ako ng Jacks.
"Hmmm.... My place? Or your place honey?" Napatingin ako sa gilid ko at tignan mo nga naman, pinaglalaruan ata ako ng tadhana.
Dahil sa akin kaya nagkaganyan si JD. Dahil sa akin nawala sya at nasa iba na. Ang sakit lang. At harap-harapan ko syang nakikita ngayon. Nakikipaghalikan sa ibang babae.
"One more please" sabi ko at agad akong binigyan ng bartender.
"Sorry Babe. Hindi ako pwede ngayon." Sabi nya at humarap sa counter. Umalis ang babae at umorder na sya.
"One Tequila Sam" sabi nya at agad lumapit yung lalaki.
"Not a hard drink sir JD ah.."
"Hindi pwede eh. Magagalit si Girlfriend. You know" napangisi na lang ako at humingi pa ulit ng isa.
Ang sakit rin pala. Harap-harapan pa nyang sinasabi. Akala ko pagbalik ko dito magiging ayos ang lahat. Akala ko magkakabalikan kami. Agad kong pinunasan ang luhang kumawala sa mata ko. Hindi ako pwedeng umiyak.
"Another Jack." Sabi ko at inabutan na ako ng lalaki.
Inilabas ko na ang wallet ko at naglapag ng isang blue peso bill at naglakad na.
Nakakatuwa talaga ang tadhana. Ayaw akong tigilan. Nasasaktan na nga ko pero, pinaglalaruan pa rin ako.
"Ms. Castillio." Napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.
Ang galing hindi ba? Natataon lang ba? O talagang sinasadya?
"J-JD..." lumapit ako sa kanya pero agad syang tumingin sa iba.
Damn It.
"Your wallet." Sabi nya at ini-abot sa akin.
"S-Salamat." Sabi ko at nagkatinginan kami.
I want to hug him kaya unti-unti akong naglakad pero agad syang umiwas. At now. Nakatalikod sya sa akin. This time. Yung luha ko. Tuloy-tuloy ng tumutulo.
"Next time na pupunta ka dito, siguraduhin mong may kasama ka.tyaka wag kang magsusuot ng ganyan. Hindi ito club or what. Bar to' isang elite bar." Sabi nya at naglakad na palayo.
Im wearing a black fitted skinny motor suit. Tyaka naka heels boots. Kung tutuusin walang mali sa suot ko. Sa kanya meron. Dahil sya, nakikipaghalikan sa mismong harap ko pa.
Lumabas na akong bar at dumiretso sa white ducatti ko at isinuot ang helmet.
"Damn this! Paano ako makakapagdrive kung patuloy na tutulo ang luha ko!" Inis kong sabi at pinaharurot na ang motor.
-------
"Hmmm" I moaned habang dinadama ko ang lamig ng hangin. Nag stop by muna ako dito sa labas ng condominium. May nakita kasi akong swing kaya umupo muna ako.
Tumingala ako sa langit at napangiti na lang ng makita kong madaming bituin.
Ang sarap talagang maging simpleng tao. Ngayon nagagawa ko na lahat. Ngayon malaya na ko. Dati nung ginagampanan ko ang pagiging Heir ng Clan lagi akong nasa training battle-HideOut-Bahay. Hindi manlang ako makalabas.
Nagkikinangan ang mga bituin pero may nakita ang shooting star kaya pumikit ako.
"Just for once. Sana magkausap kami ni JD. Sana mapatawad nya ko. Please." Sabi ko at dumilat but damn.