[Nathalia P.O.V]
Nandito ako ngayon sa harap ng isang university yeah. Shock?
I prefer to study in the school where I know they could not find me. Dahil panigurado kung sa Castville Academy ako mag-aaral, bawat kilos ko dapat alam nila. Mahirap yung ganun. Wala kang kalayaan.
"Transferee?" Tanong sa akin nung babae at tumango ako.
"Dito ka pumila" sabi nya at nagpunta na ko dun.
Wala namang pila kung tutuusin, I think 5 lang kaming nakapila dito.
"Nathalia Sophia Castillio" Basa nya dun sa Form ko at tumango ako.
"Well wala namang problema sa grades. Matataas, but, bakit ka nag- Homeschooling for 5 years?" Tanong nya. Really? Is this an interview? Ang alam ko lang kailangan kong kumuha ng papel for the course.
"Oh well, wala na kong ibibigay sayo, mukhang totoo naman ang nasa card you can go." sabi nya
"Key" sabi ko at mukhang nagulat sya.
Bakit ba kada nagsasalita ako madaming nagugulat?
Actually, Im doing what Lorreane did in the story, pero ang kaibahan hindi ako magde-desguise, magsasalamin lang siguro ako. And I don't need to work dahil may pera naman kami.
Nilibot ko yung labas dahil ayoko pang umuwi dahil kukulitin lang ako nila Lolo about sa pag-aaral. They don't know about this. Dahil kapag nalaman nila Im sure pipigilan nila ko. And ayaw kong mangyari yun. Masyado na kong nakulong. Sila na lahat gumagawa, ginagawa nila ng wala akong kaalam-alam. Sila ang nagdedesisyon sa buhay ko. At ayoko nang abalahin sila. Gusto kong makaranas ng ibang buhay, yung bahay na maghihirap ako. Mabubuhay ng ordinaryo. I want a change in life. Kung pwede lang hindi ako maging si Nathalia Sophia ginawa ko na.
Malaki ang school, Private sya actually, kaya ko dito naisipan dahil ang sabi maganda dito which is I know its true.
May Garden sya sa gilid pagkapasok mo ng entrance. Maganda doon dahil malayo sa daanan at may bakod, madami ding mga upuan st mga puno at bulaklak. Nasa gitna nito ang isang malaking fountain. Pagkapasok mo, bubungad sayo ang pagkalaki-laking letter ng Initials ng School. VIA
"Villapuerte International Acadaemy" I whispered.
Naglakad-lakad lang ako at napunta ako sa field, bandang likod na ito at tanaw dito ang gymnasiun, may mga naglalaro sa field ng football at nakatingin sakin sila.
"Miss, bawal kang pun--" Napatigil sya ng bigla ko syang tignan at nagpatuloy ako sa paglalakad.
Nakarating ako sa gymnasium at bumuntong hininga.
Buti hindi napapagod ang mga estudyante? Ang laki ng school na to' but still, mas malaki ang Castillio Academy.
Ang gymnasium ay may dalawang side. Isang aircondition at isang hindi. Naglakad ako sa loob ng gymnasium na ordinary at masasabi kong maganda talaga dito. Pagkalabas ko sumalubong sakin ang isang malaking racing pool. At naglakad ako sa gilid nito...
Siguro nga, mas maganda ang lumalabas-labas din, hindi yung lagi akong nakakulong sa loob ng kwarto ko at nagmumukmok dahil sa nangyari.
Napapikit nalang ako at uli bumuntong hininga.
Nakita ko ang isang double door at pinasok ko.
Well, ang cafeteria malaki sya at tingin ko mag-eenjoy ako dito.
Teka? Did I say Enjoy? Hindi ko alam ang salitang yun.
Naglakad lakad ako at madami akong nakitang mga magkakatapat na building. Maybe this is the departments? Or maybe the classroom.