TP12 (Locked)

2.2K 60 0
                                    

Nathalia P.O.V

Late akong pumasok dahil late din akong nagising.

Halos sirain ko ang elevator ng VIA para agad magbukas pero nasa 10th floor pa ito. No choice na ko kundi takbuhin ang stairs hanggang 7th floor.

---

"Im sorry Im late!" Hingal kong sabi

pero walang katao-tao. Great!

Napa-upo ako sa sahig dahil sa pagod.

"Nasa auditorium silang lahat Ate Nathalia" sabi nung isang freshmen kaya tumango nalang ako.

Inilagay ko ang bag ko sa upuan at kinuha ang wallet at cellphone.

Naglakad na ako papunta sa Auditorium pero biglang may narinig akong sigaw kaya pinuntahan ko.

"N-Nathalia!" si Megan? Nakita ko syang naka-upo sa labas ng isang room. Kung hindi ako nagkakamali, ito yung mga abandonadong room dito sa loob ng HRM Building.

"Ayos ka lang?" tanong ko at tumango-tango sya.

"Yun-yung bag ko. N-naiwan ko ata sa loob" sabi nya at pilit na tumatayo pero hindi magawa.

"Stay. kukunin ko." sabi ko at tumango sya.

Papasok pa lang sana ako ng room pero may mga tumulak sa akin. At agad isinara ang pinto.

"Sht!" Ewan ko pero yun ang unang lumabas sa bibig ko.

Sobrang dilim ng kwarto at tanging liwanag mula sa taas ang makikita.

"Open this Door!" Kalampag ko.

"Scared Nathalia?" At may nagtawanan sa labas.

"Megan." I shouted pero lahat sila napatigil.

Walang emosyon at sobrang lamig na boses ang nailabas ko.

"Siguro naman, magtatanda ka na. Ngayon kilala mo na kung sino ang kinalaban mo" sabi nya at naka-rinig ako ng yapak papaalis.

Kinuha ko yung phone ko. At inilawan yung lugar.

Ngayon alam ko na kung bakit sinabing abandonado. Ginawa nalang kasi itong imbakan ng mga lumang libro at computers.

Buti nalang at may nakita akong upuan.

Pagka-upo na pagka-upo ko saktong bumigay kaya napa-upo ako sa sahig.

"Aray." yun lang ang tanging nasabi ko.

Naisip kong sumigaw pero wala rin namang makaririnig sa akin dahil walang estudyanteng dumaraan dito. Wala ring signal.

Siguro matutulog na lang ako, at ako na mismo gagawa ng paraan para makalabas dito.

---

Dara P.O.V

Inabot kami ng lunch sa auditorium dahil sa ilang programs, at activities.

Hindi ko nakita doon si Bestfriend. Kaya aakyatin ko sya ngayon sa room nila! ^.^

"Tatlong oras na sya doon, kamusta na kaya ang patay na yun?" nagtago ako ng makita ko sila Megan at ang alipores nya.

"Poor Nathalia, akala nya hindi ko sya gagantihan? Well, magtanda sya" sabi ni Megan

"Kelan nga pala natin sya ilalabas doon?"

"Tomorrow Morning." ikling sabi ni Megan at naglakad na sila.

The Pretender (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon