One

782 3 0
                                    

Siargao

Kaleisha's POV

Nakarating na kami sa Resort na pagmamay ari ng Tita Claudia ko. At syempre hindi ko nakalimutan na itext si Rachel para mainform siya na andito na kami. Pagkababa namin sa shuttle ay agad ko namang nakita ang iilang staff na nakaabang sa lobby kasama na doon ang aking Tita at ang bunsong anak niya na si Angel na mas bata pa sakin ng limang taon.

Agad naman akong niyakap ni tita Claudia at ni Angel. "I'm so happy na andito ka ngayon! It has been a year since we've last saw each other kaya naman gusto kong pahabain ang stay mo dito. Welcome!" Bati ni tita Claudia. Bumaba ang tingin niya kay Mia na hawak hawak ko.

"At sino naman ito, Isha? Anak mo?" Nagtatakang tanong niya. Agad naman akong umiling.

"Inaanak ko po siya, Tita. Ang pangalan niya ay si Mia. Anak po siya ng kaibigan ko, sinama ko lang po dito dahil gusto niyang maglibang." Sagot ko. Tumango tango naman si Tita.

"Osiya! Sabihan mo na mga kasama mo na handa na ang mga rooms niyo. Iaalalay kayo ng mga staff ko." Sinenyasan ni Tita Claudia ang mga staff ng resort at agad naman silang kumilos para tulungan kami sa mga bagahe. Mamaya ang start ng shoot namin at baka may part two pa bukas ng umaga dahil kailangan namin ng perfect lighting.

Pinastay muna kami ni Tita Claudia sa lobby kasama si Angel. Pinagmasdan ko lang siya habang nagddrawing ng isang portait. Ang galing niya talaga!

"Angel, asan pala ang kuya Chase mo?" Tanong ko sa kaniya. Napatigil naman siya sa pagguguhit at tumingin sakin.

"Nasa Tak Tak Waterfalls po siya kasama ng mga kaibigan niya, Ate Isha. Maya maya dadating na rin po yun." Sabi niya, lumipat ang tingin niya kay Mia na ngayon ay manghang mangha pa rin sa lugar. Napangiti naman siya at nilapag ang sketchpad niya.

"Hi! Ako si ate Angel, pinsan ko naman ang ninang mo. Ikaw anong pangalan mo?" Tanong ni Angel in a friendly tone. Kinalong ko si Mia at mas lalong hinarap kay Angel. Baka kasi nahihiya lang.

"I'm Mia.." nahihiyang tugon ni Mia.

"Wag kang mahihiya kay ate Angel mo. Mabait siya at alam kong magkakasundo kayo." Sabi ko kay Mia. At dahil sa assurance na binigay ko sa kanya ay unti unti na siyang ngumiti at niyakap si Angel.

"Gusto mo i-tour kita dito sa resort?" Tanong ni Angel kay Mia. Sila na ngayon ang magkausap.

Tumango naman si Mia. "Yes I want to see our room and the pool!" Excited niyang sabi. Natawa si Angel at tumango. Kita ko kung gaano siya maaga nagmature. Mabuti ang pagpapalaki ni tita Claudia sa kanya. Summer niya ngayon kaya andito siya sa Siargao. Nag-aaral naman siya sa Cebu kung saan ang Probinsya ni Papa.

Nang magsisimula na kami magtour ay bigla namang may tumawag sa akin. Pagkatingin ko sa phone ko ay ang pangalan ni Leandro.

"Sasagutin ko lang ito. Angel, ikaw muna ang bahala kay Mia. Pagpatuloy mo yung tour, itetext na lang kita mamaya. Just tell me kung nasaan kayo." Tumango naman si Angel at naglakad na kasama si Mia.

Sinagot ko naman ang tawag ni Leandro.

"Leandro? Bakit ka napatawag?" Tanong ko. Bihira lang kasing tumawag si Leandro sa akin. Kahit pa magkaibigan kami, hindi kami yung mahilig tumawag sa isa't isa kaya nagulat na lang ako nang bigla na lang siya tumawag.

A Sweet EscapadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon