MissKaleisha's POV
"Ninang, bakit hindi ka po nag-eeat?" Nagtatakang tanong ni Mia at hinawakan niya ang kamay ko. I smiled just to show that I'm okay. Nakaupo kami, malayo sa table nila Chase. Kaya hindi ko masyado naririnig ang usapan nila. Mabuti na rin yon para hindi ko maisip yung nakita ko kanina.
"Hindi ako masyadong gutom, baby. Tapos ka na ba?"
Tumango si Mia at nilapit niya yung plato niyang walang laman. "See? Very good ako ninang!"
Napangiti naman ako and I carressed her face. "Excited ka na ba umuwi kay mommy mo?" Tanong ko sa kanya.
Agad naman siyang tumango. "Yes! I miss my mommy so much. Sabi nga po ni mommy, kung hindi pa ako uuwi, gagawa pa daw sila ng isa pang baby ni daddy.." she pouted.
Lumaki ang mata ko at napatawa sa sinabi niya. Kaloka talaga si Rachel! Kung anu ano na lang ang sinasabi niya sa anak niya. Alam niya namang lumalaking matalinong bata tong si Mia.
"Ikaw Ninang? When will you have a baby? I want a playmate na"
Nasamid naman ako sa pagiinom ng tubig nang marinig ang tanong ni Mia. Tumingin ako sa kanya at nakita kong naghihintay siya ng sagot.
"H-Hindi pa sa ngayon, Mia.." kinagat ko ang labi ko at napapikit dahil sa pressure. Bakit ba hinihintay nila akong magkaanak? Asawa nga wala pa ako, anak pa kaya?!
"Ang lakas ng ulan ngayon.. Sana hindi lumala bukas." Sabi ni Angel, dahilan nang pagsulyap ko din sa bintana. It was really raining so hard. Even the wind was blowing the trees making some leaves fall on the ground.
I have a feeling it may be worse. Napalingon naman kaming lahat sa pumasok sa pinto. It was Tita Claudia. Patungo siya sa table namin at saka naman umupo sa tabi ko. "Isha, mukhang maccancel ang flight niyo bukas. May parating na bagyo dito. Mas mabuti pang ligtas kaysa naman tumungo kayo sa gitna ng lakas ng ulan. Kakausapin ko na lang ang mga magulang mo." Sabi ni Tita Claudia. Sinasabi ko na nga ba!
"Sige po tita, naiintindihan ko naman po. I'll just inform Mia's mom about it. Thank you for telling, Tita." Nakangiti kong sabi at tumango na lang. Nauna nang bumalik sa Manila ang crew ko sa photoshoot, ang natira na lang ay ang PA ko atsaka naman kaming dalawa ni Mia. Nasa taas lang si Ate Melly ang PA ko. Hindi siya masyadong bumababa para kumain. Lagi rin itong busy rin mag ayos ng mga sched ko.
"Ma, Kumain ka na ba?" Napalingon naman ako kay Chase na ngayon ay naglalakad papunta sa amin. Kasama ang mga kaibigan niya. Nakatitig lang sa akin ngayon si Alfonso.
"Yes, Anak. Pumunta lang ako dito para sabihin kay Isha na ma-ccancel ang flight nila dahil sa bagyo." Tugon ni Tita Claudia at tumayo. "Mauuna na ako dahil may aasikasuhin pa ako. Enjoy the rest of the evening." Paalam ni Tita. She looked at me and gave me a nod bago pa siyang tuluyan na lumabas ng room.
"Mabuti na lang at hindi muna kayo uuwi. Kamusta naman ang marka mo?" Tanong ni Chase. I extended my leg para makita nila na namumula pa rin.
"Ayan, namumula pa rin pero ayos lang naman ako. Nakakagalaw naman."
"Sayang hindi mo maaabutan ang birthday ni Yna. Next week na iyon. Kanina pa nga namin pinaguusapan kung ano ang maiaambag namin bilang handaan na sa kanyang pagpapakain." Sabi ni Chase. Napatingin naman ako kay Yna na parang gulat dahil nasabi ni Chase sa akin ang kanilang plano.
BINABASA MO ANG
A Sweet Escapade
RomanceIs it just an escape from the city or a new chapter begins when set on the beach?