Crying
Kaleisha's POV
Hindi ko makakalimutan ang sinabi ni Joaquin na ang pakay niya dito sa event na ito ay maghanap ng mga magaganda babae at mas lalo lang akong nasaktan noong hindi naman tinanggi ni Alfonso iyon, nairita pa nga ako noong tumawa pa siya. Ibig sabihin, totoo nga yon. Mas lalo lang uminit ang dugo ko. Kailangan ko ng fresh air para lumanig ang ulo ko.
"Saan ka pupunta Isha?" Tanong ni Chase. Aalis na sana ako nang bigla akong mapansin ni Chase. Mukha namang nagkakasiyahan silang tatlo at ayoko namang humadlang doon.
"Magpapahangin lang ako sa labas" sabi ko at hindi ko na sila nilingon pa at baka dito pa ako sumabog.
Nagtungo ako sa kanilang backyard, konti lang ang tao dito dahil halos lahat ay nasa loob. Walang pinagkaiba ang backyard nila sa harap. May malaking swimming pool ito at may mga upuan rin para sa mga guests. Nakabukas ang mga ilaw pati na rin sa ilalim ng pool. Iba't ibang kulay ang lumalabas doon.
Habang naglalakad lakad ay bigla kong naalala ang nangyari kanina. Wala akong time kanina para magdamdam kaya ito na ang pagkakataon ko. Simula noong nakipagkamayan siya sa akin kanina ay para lang akong kinalimutan niya. Saka ko lang napagtanto na sino ba naman ako? Isa lang akong hamak na turista lamang noong time na yon. Kaibigan pa nga eh.
Hindi naging madali sa akin ang pag-amin ngunit dahil sa kalasingan ay hindi ko na rin napigilan kaya siguro sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko na sa tingin ko ay wala naman siyang pakielam. Naiintindihan ko naman iyon dahil alam ko namang si Yna ang nilalaman ng puso niya. Wala na akong balak makihati dahil ayoko rin naman maging option. Yna deserves the love that she wants at kung nakikita niya iyon kay Alfonso ay hahayaan ko na lang.
Mas mabuti na siguro yung ganito, piliin mo yung taong mahal mo dahil matututo ka rin naman mahalin sila in the end pero bakit sa sitwasyon ko ang hirap pa rin? Kahit anong gawin ko hindi pa rin maalis sa isip ko si Alfonso. Ayoko naman na paasahin si Leandro dahil lang sa nararamdaman ko kay Alfonso. Ang daming araw na ipinakita niya na karapat dapat ko siyang sagutin at sa harap pa ng pamilya ko. Sisirain ko pa ba iyon? Kung ngayon ay sa tingin ko maayos naman ang lahat?
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo" nagulat ako at biglang lumingon sa pamilyar na boses na nagsalita. Si Alfonso. Nakapamulsa ang mga kamay niya habang naglalakad palapit sa akin.
"May problema ba?" Tanong niya at umupo sa tabi ko. Ilang agwat lang ang pagitan naming dalawa.
Umiling ako nang hindi tumitingin sa kanya dahil nakafocus lang ang atensyon ko sa buwan.
Nakaramdam ako ng pamilyar na feeling at moment. Sa oras na ito ay parang noong itinakas niya ako doon sa lalaking nagbigay ng inumin sa akin. Naalala ko pa na parehas kaming nakahiga doon habang pinagmamasdan ang mga bituin at buwan.
"Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan na masaya ka na pala.." medyo may ibang kahulugan ang sinabi niya kaya naman ako napatingin sa kanya na ngayon ay nakatitig lang sa akin.
Muling kumirot ang puso ko nang maalala ang nakita ko sa post ni Yna. Agad kong inassume na naging sila ni Alfonso noong araw iyon. Kitang kita sa mga mata nila ang sobrang saya na nararamdaman nila noong mga oras na iyon.
"Mukhang masaya ka rin naman.." mahina kong sabi sabay iwas ng tingin. Ramdam ko ang paglapit niya sakin dahilan ng pag-usog ko palayo sa kanya ng onti.
BINABASA MO ANG
A Sweet Escapade
RomanceIs it just an escape from the city or a new chapter begins when set on the beach?