Three

477 3 0
                                    

Secret

Kaleisha's POV

"Anong tinatawa tawa mo diyan?" Masungit kong tanong sa kanya. Nang nakita niya na nakasimangot ako ay agad naman siyang tumigil.

"Pasensya na, Isha. Natutuwa lang ako kay Mia." Sabi ni Alfonso sabay buhat kay Mia. Nakangiti lang ngayon si Mia sa kanya. Aba't! Etong batang to talaga hindi ko alam kung chuma-chansing kay Alfonso!

"Halika na, Isha." Nagulat ako nang bigla na lang niya ako hinawakan sa kamay at hinila papunta sa water bike na nakapark sa may dock. But before I even ride on it, itinali ko muna ang buhok ko into a ponytail.

"Sa harap ako kuya! Gusto ko rin magdrive!" Sabi ni Mia. Hindi naman makahindi 'tong si Alfonso! Kaya pinaupo niya sa harap si Mia pero syempre nakaipit siya sa legs ni Alfonso.

"Humawak ka ng mahigpit ha baka mahulog ka." Paalala ni Alfonso sa kanya. Tumango naman si Mia at humarap sa harap.

Nang nakasakay na ako ay namoblema ako kung saan ako kakapit. Kung sa dulo naman ng bike, hindi ko naman abot dahil malayo. Naiilang naman ako kapag humawak naman ako kay Alfonso. Ilang saglit lang ay biglang hinawakan ni Alfonso ang parehas na kamay ko and he wrapped it around his stomach. Oh my gosh! I can feel his abs! Ano ka ba naman, Isha. Maghunos dili ka nga diyan! Dapat dalagang Filipina lang tayo.

"Kumapit ka lang sa akin. Wag kang bibitaw." Ayun lang ang sinabi niya bago pa niya pinaandar ang bike.

Pinatakbo niya ng mabilis ang bike at doon naexcite lalo si Mia. Mahigpit lang ako kapit ko sa kanya dahil feeling ko maya maya mahuhulog na ako but even so, Nageenjoy ako sa view ngayon. It feels so good whenever the wind blows against my skin. Kahit na malakas ang hangin, amoy na amoy ko pa rin ang masculine scent ni Alfonso. I admit that I'm
kinda attracted to guys with a pleasant scent. Isa na yon sa mga nakakaturn on for me.

Tumingin naman kami sa tubig and we were amazed on how crystal blue the water is. Kitang kita ko ang mga isdang lumalangoy sa ilalim ng tubig. I've always loved looking at the ocean. It's where I found peace within myself that I've always needed in my life. I felt Completely free and happy whenever I'm not in the city. Sometimes, I think about moving here instead. I could always go back to Manila any other time. I felt like this is where I belong.

After riding the water bike, Alfonso docked the bike near the other ones. It was so fun and I'm really happy that I get to experience that. Mukhang nag-enjoy rin naman si Mia dahil buong buo pa rin ang energy niya.

Nagpasalamat kami kay Mang Pedro at nagpaalam dahil may pupuntahan pa daw kami. Ang next na pupuntahin namin daw ay ang cloud nine. That's where people surf and it was a trend nga lately. Pero dahil kasama namin si Mia ay hindi kami magssurf. We will just watch the sunset. Ayos lang naman sa akin na kahit ganon lang. mas nakakarelax at nakakagaan ng loob panoorin ang paglubog ng araw.

"Alfonso, Salamat nga pala dahil pinasyal mo kami ni Mia. We really enjoyed it kahit bitin. One day is not enough talaga para malibot at mapasyal ang ibang lugar." Humarap ako sa kanya habang si Mia ay busy naglalaro ng cellphone ulit ni Alfonso.

"You're welcome. Masaya ako dahil nag-enjoy naman kayo kahit papaano." Sabi niya sa akin ngunit agad siyang umiwas ng tingin dahil mukhang nahihiya siya at may gustong sabihin.

A Sweet EscapadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon