Girlfriend
Kaleisha's POV
Binati ako agad ng mga paparazzi pagkarating ng Airport galing sa Siargao. It was hard to say goodbye lalo na't napamahal na nga sa akin ang Siargao. Maybe what ever happens in Siargao will only stay in Siargao. Syempre mahirap magpaalam sa mga kaibigan ni Chase doon dahil pilit pa rin nila ako magpaiwan na lang. Bukod sa tapos na ang aking one week break, now I have to deal with reality once again.
Eto ang mundo ko, ang maingay at magulong mundo ng Manila. The city where I was born from the very beginning. At ngayon, nagbabalik na ako para ipagpatuloy lang ang buhay ko dito. Where in I get to live behind and front of the camera and I also have to deal with reporters again.
"Miss Kaleisha! Maligayang pagdating!"
"Kaleisha! Kamusta ang bakasyon mo sa Siargao?"
"Miss ka raw ni Leandro!"
At patuloy na umulan ng katanungan galing sa mga reporters hanggang sa nakasakay na kami ng van.
Buong biyahe ay naka tulala lang ako sa bintana. Nakaramdam ako ng lungkot at hindi ko alam kung bakit. Ngayon na nakauwi na ako ng Manila, parang feeling ko laging may kulang. Hindi ako napapanatag at hindi ko alam kung bakit.
Inuna ko muna na ihatid si Mia kay Rachel dahil paniguradong sabik na sabik na niyang makita muli ang kanyang anak.
Pagkabukas ng pinto ay agad na binuhat ni Rachel si Mia at hinahalik halikan sa pisngi. Napangiti ako sa dalawang mag-ina habang nagyayakapan. Punong puno ng pagmamahal ang puso ko ngayon. Ilang saglit pa ay dumating naman si Kenneth, agad naman niyang kinarga ang anak niya at hinalikan sa pisngi.
Natutuwa ako makita na masaya ang pamilya ni Rachel, ayun lang naman ang hinahangad ko para sa kanya. Masaya ako dahil masaya siya. Hindi ko maiwasan rin isipin na paano kung ako naman ang magkapamilya? Magiging masaya rin kaya ako? Am I gonna be the best mother and a wife to my future husband and children? Sa ngayon, mas focus lang muna ako sa career ko ngunit ilang beses na ako napagsasabihan na mag-asawa na daw ako. Walang problema naman iyon kay mama dahil hangad nga niya na magkaroon na ng apo pero hindi pa naman okay yun kay Papa.
Hangga't hindi pa naikakasal si kuya Third ay hindi rin muna ako pwede magka-asawa. Pinanghahawakan ko naman iyon dahil ni boyfriend nga wala pa ako, fiancé pa?
"Salamat sa paghatid kay Mia, Isha! Why don't you stay for a while?" Sabi ni Rachel. Umiling naman ako at ngumiti
"You're always welcome. I would love to but I have to go home. My parents are also expecting me. Let's hang out soon okay?"
Tumango si Rachel at pina ba-bye na si Mia sa akin. I waved goodbye bago pa ako muli sumakay sa SUV.
"Kaleisha, bukas may appointment ka sa Derma mo at may final fitting ka kasama si Mr. Buenaventura tungkol sa malalapit na Celebrity Ball." Sabi ni ate Melly habang nagsscroll sa kanyang planner. Tumango ako. Oo nga pala I remembered, nagpadesign ako ng gown na susuotin sa Ball. Eric Buenaventura is my trusted gown designer ever since I've joined beauty pageants before.
Nang makarating na ako sa bahay agad akong dumiretso sa living kung saan nanonood sila ng palabas. Nagulat sila nang makita na ako kaya naman napatayo silang lahat at niyakap ako. Sobrang namiss ko talaga ang pamilya ko, pakiramdam ko hindi ako masasanay na mapalayo sa kanila ng ganoong kalayo. Na-hhome sick lang ako kapag ganoon.
BINABASA MO ANG
A Sweet Escapade
RomanceIs it just an escape from the city or a new chapter begins when set on the beach?