Sixteen

203 4 1
                                    

A/N: this will be my last update before school starts. Asahan niyo na na mabagal ako maguupdate because of acads. Ngayon pa lang, magssorry na ako. Anyways, enjoy Chapter 16! Don't forget to read "MY WILL" as well! xo

Walls

Kaleisha's POV

"Ayos ka lang? Umiyak ka ba?" Tanong ni Rachel. Hindi ko aakalaing mahahalata niya iyon kahit sa video call lang kami magkausap ngayon.

Sinubukan kong maging masaya ang expression ng mukha ko pero alam kong bakas pa rin ng kalungkutan iyon. Kaya naman muling namuo ang mga luha ko at bumuhos ng sobra.

"Rachel, bakit ba ang sakit?" Wika ko habang humihikbi hikbi. Hindi ko ito dapat maramdaman dahil wala naman akong karapatan. "I shouldn't feel this.. mali ito.." dagdag ko.

"Isha.. gusto mo puntahan kita diyan? Wala naman akong ginagawa. Paalis na ako." Sabi ni Rachel. Kitang kita sa vid call na nagmamadali siyang lumabas at sumasakay sa kotse niya.

I feel lucky to have a friend like her. Siya lang ang taong mapagkakatiwalaan ko at maaasahan ko lalo na sa mga down times ko. Siya lang ang nagstay sa tabi ko buong buhay ko.

Ilang saglit lang ay narinig kong may kumakatok. "Isha, ako 'to si Rachel" pagkarinig ko ng pangalan niya ay nagdali dali naman akong buksan ang pinto.

Sinalubong ko siya ng isang mahigpit na yakap at saka naman sinarado muli ang pinto. "Ilabas mo lang yan, Isha... magkwento ka na lang kapag kaya mo na." Sabi ni Rachel habang hinihimas himas ang likod ko.

Kumalas naman ako sa yakap at pinunasan ang mga mata ko. "S-Sinong nagbukas sayo sa pinto?" Tanong ko sa kanya.

"Yung pinsan mo, si Chase. Nagtaka nga siya bakit daw ako nandito. Ang sabi ko naman binibisita ko lang ikaw. Kasama niya sa baba si Alfonso. Ikaw talaga hindi mo sinabi na mas gwapo siya sa personal!"

Napasimangot naman ako lalo.

"A-Ah eh.. cheer up! Andiyan naman si Leandro eh." Sabi ni Rachel at umupo naman kami sa kama ko.

"Mali 'to, Rachel... nagiging unfair lang ako kay Leandro... ayokong masaktan siya nang dahil sa akin." Sabi ko sabay iling.

"Kung ayan naman pala ang nararamdaman mo.. mas mabuti pang sabihan mo na si Leandro bago pa lumala ang sitwasyon. Ikaw rin ang mahihirapan." 

Napaisip naman ako. Mahirap bumitaw lalo na ngayon. Madaming mawawala sa akin kapag nireject ko si Leandro. Maging ang business ko ay unting unti nang namomoblema. Ayoko naman pagsabay sabayin lahat. Mauubos ako, mahihirapan ako at mas lalong hindi ko kakayanin.

"M-Mahirap... maraming kapalit iyan kapag yan ang ginawa ko."

"Just think about it, Isha.. makakaisip rin tayo ng ibang paraan.." sabi niya sabay himas ng likod ko. "Ano naman ang problema tungkol kay Alfonso naman?"

"Sa totoo lang.. hindi ko alam! Hindi dapat ako nagseselos dahil nalaman kong totoong sila na ni Yna. Si Chase na mismo ang nagsabi noon, narinig ko kanina." Parang mas lalo lang sumisikip dibdib ko habang inaalala iyon. "At hindi lang iyon.. Naalala mo ba si Reece?"

A Sweet EscapadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon