Kwento
Kaleisha's POV
Kakatapos lang ng meeting ko tungkol sa panibagong product launch ko next month. Now, pauwi na ako. Ginamit ko na lang yung sasakyan ko para hindi ko na maabala ang driver ko dahil nagka-emergency lang sa pamilya niya. Manganganak na daw ang asawa niya at gusto ng asawa niya, andoon siya. Naiintindihan ko naman kaya ko siya pinaliban muna ng ilang araw.
Minsan napapaisip ako, ano kaya ang pakiramdam na manganak? Masakit nga at mahirap pero once na makita mo mismo ang baby mo parang mawawala agad ang sakit at hirap na naramdaman mo.
Pagkadating ko sa bahay, dumiretso na ako sa kwarto ko dahil malamang ay tulog na silang lahat. Matapos kong maghilamos ay nagcheck muna ako ng social media ko. It has been weeks since last kong gamit ng social media. That's was the time na nakita ko yung post ni Yna.
Hindi na ako nagulat, punong puno sa news feed ko ang mga pictures at articles namin ni Leandro ang nakakalat sa internet. Walang araw yata na hindi kami nagttrending.
Kita kong may pinost si mama na picture namin noong bumisita si Leandro sa bahay para magdinner. Doon halos nagkagulo ang mga tao. Magkatabi kami ni Leandro sa picture at katabi ko naman sa isang side si Mama. Nakaakbay pa sa akin si Leandro sa picture na yon.
Naalala ko tuloy yung sinabi ni Leandro kay Mama at Papa noon. Na gagawin niya daw ang lahat para sagutin ko siya. He even confessed his feelings sa harap nila mama at papa. Inaamin ko, bilib ako sa kanyang deteminasyon. I really admire him for being honest and brave enough to speak his feelings out. Hindi lahat ng tao kayang gawin iyon. Dahil na lamang tinatabunan ito ng hiya at takot.
At dahil sabi ng Publicity Manager ko, I should be posting pictures of me and Leandro para daw sa mga upcoming projects ko at para mas ganahan ang mga followers at shippers namin ni Leandro.
I posted a photo of me and Leandro habang magkahawak ang kamay. That was the time when he asked me out on a date. Syempre pumayag ako, pumunta kami sa BGC at naglibot sa Grand Venice. Inaamin ko, nakaramdam ako ng saya noon dahil masaya naman talagang kasama si Leandro. Walang halong ilangan dahil magkakilala na kami dati pa. Ang sunod na Picture ay ang picture naman namin sa sinakyan naming boat doon sa Grand Venice. May hawak hawak pa akong bouquet habang nakaakbay sa akin si Leandro.
Ilang segundo lang matapos kong mapost iyon ay tinadtad na agad iyon ng mga likes at comments. May ibang artista at co models rin ang nagcomment sa post ko.
Lumaki ang mata ko nang makita ang pangalan ni Alfonso sa notif ko.
Alfonso Montero started following you
Bigla bumilis muli ang tibok ng puso ko. Natataranta ako dahil hindi ko alam kung ifofollowback ko ba siya o hindi! May hawak siyang
I tapped on his profile at sa kasamaang palad naka private siya. Ugh! Hanggang social media talaga, naka private pa talaga? Ayaw talaga magpublic. Hmp!
Bakit ba bigla bigla na lang siyang nagpaparamdam? Ano? Papaasahin nanaman niya ako? Imbis na namumuhay ako dito ng tahimik. Gagambalahin niya nanaman ako?
Hay! Dinedma ko na lang yon. Pinatay ko ang cellphone ko at natulog na lang para naman makapag beauty rest ako.
Kinabukasan, tinawagan ako ni Rachel para papuntahin ulit sa bahay nila. Need yata ng makachika kaya naman pumayag ako dahil wala naman akong agenda for today.
BINABASA MO ANG
A Sweet Escapade
RomanceIs it just an escape from the city or a new chapter begins when set on the beach?