Two

558 3 0
                                    

Rumors

Kaleisha's POV

"Ninang! Saan po tayo mamamasyal?" Tanong ni Mia. Naglalakad lakad lang kami dito sa labas. Ramdam ko ang singoy ng hangin kahit na nakajacket ako. Naririnig ko ang bawat pagbagsak ng alon sa lupa. May iilang nagbbon fire rin sa may dagat at mukhang doon yata sila mag ccamp.

"Uhmm.. uh—-" sasagot na sana ako nang biglang may nagsalita sa likod namin.

"Mas maganda mamasyal kapag may araw. Puro Night life na lang ang makikita niyo dito." Pagkalingon ko naman sa nagsalita, nagulat ako nang makita si Alfonso. Teka, bakit andito siya? Iniwan niya ba doon si Yna?

Pero bakit ganoon? Parang gumaan ang loob ko? Parang may nawalang mabigat sa dibdib ko.

"Talaga po? Edi bukas na lang tayo mamasyal! Diba Ninang?" Sabi ni Mia sabay tingin sa akin. Bago pa ako makapagsalita ay naunahan ako ni Alfonso.

"Pwede naman kayong tumambay muna sa tabing dagat. Do you want me to make a bonfire?" Tanong ni Alfonso sa'kin. Hindi ako nakapagsalita ng mga ilang seconds. Nang marealized ko na kung anong gusto kong sabihin ay inayos ko ang tindig ko.

"Huwag na, nakakahiya naman baka naabala ka pa. Kumain ka na doon sa loob." I said nicely. Sinusubukan ko talaga maging mabait dahil gusto kong mawala 'tong hiya na 'to.

Umiling naman siya at ngumiti. Bakit ba siya ngumingiti? At bakit rin ako affected sa kanya? Hindi ito maaari!

"Tapos na akong kumain. Halika, samahan ko kayo at gagawan ko kayo ng bonfire." Sabi niya at nauna nang naglakad papunta sa may dagat. Aba! Hindi man lang hinintay sasabihin ko?

"Tara Ninang! Hinihintay na tayo nung kuya!" Sabi ni Mia sabay hila sa kamay ko dahilan ng pagsunod sa kanya.

Agad namang umupo sa buhangin si Mia, sinaway ko siya dahil umupo siya agad nang wala man lang sapin o pampatong para makaupo ng maayos.

"Wow! Ang galing! Ninang look may fire na yung wood!" Amaze na amaze ngayon si Mia sa nakikita matapos sindihan ang bonfire.

"Thank you po!" Masayang sabi ni Mia kay Alfonso. Mas lalo tuloy lumawak ang ngiti niya and he bent down.

"You can call me kuya Alfonso." Nakangiting sabi ni Alfonso. Halatang mahilig rin siya sa bata dahil magaan ang loob rin niya kay Mia.

"You can stay with us so that someone can guard us, kuya Alfonso." Ani Mia. Namilog ang mata ko nang marinig iyon. Hindi ako makapaniwala na masasabi iyon ni Mia! Sino ba siya para samahan kami? I don't need a body guard! Doon na lang siya kay Yna!

Wait.. parang selosa pakinggan but whatever!

"Ano ka ba Mia, baka may gagawin pa si kuya Alfonso. Wag na natin siya—"

"Ayos lang naman sa akin." Simpleng sagot niya.

"S-seryoso ka?" Tanong ko at tumango naman siya. Paano na si Yna?

"Wala naman akong ginagawa at saka gabi na baka mapano pa kayo. Ihahatid ko rin kayo sa room niyo mamaya." Sabi niya at umupo naman sa tabi ni Mia. Nasa gitna lang si Mia naming dalawa ni Alfonso. At kung titignan mo naman ito sa likod, parang aakalain mong isang pamilya lang kami.

A Sweet EscapadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon