Prologue

1.1K 5 0
                                    

PROLOGUE

Kaleisha's POV

I have faced many rejections in my life pero hindi ako sumuko. Marami na akong napagdaanan may it be a good one or not. May mga pagkakataon na nabigo rin ako, I sometimes fall too. People think I'm a strong and beautiful woman but little do they know that I'm broken inside. I feel like I'm incomplete and I'm anxious about it. I don't even know why and how. I've been backstabbed by the people whom I thought were my friends, I've been cheated on, bullied and also smart shamed before. But through it all, it has served as a lesson for me to become the woman who I am today.

"Kaleisha! Anong masasabi mo sa mga balita na nagkaroon kayo ng initan ni Paula?" Tanong ng isang media reporter. Kung minamalas ka nga naman. Bumibili lang ako ng kape nang may humarang sakin na mga media.

"Fake news. Paula and I are in good terms. Please stop spreading false rumors." I answered nicely.

Hinding hindi ka talaga titigilan ng media kung hindi ka magsasalita. May instances na makakarinig ka talaga ng fake news. Daig ko pa ang artista sa kasikatan dahil isa lang naman akong modelo.

"Kaleisha, Totoo bang nagkaroon kayo ng relasyon ni Leandro pagkatapos ng collab niyo sa Bench?"

"Leandro courted me even before that collab with bench but now we're only friends. We still communicate with each other though."

"I heard your cosmetics brand is selling like hotcakes, Congrats! What are your future plans for that?"

"I'll be launching a new collection soon and I've also got a surprise" I said. Yes, I have my own brand of cosmetics. I'm also having a collab with H&M Swimwear collection. Too many blessings in a year and I always thank the Lord for these blessings.

Maraming tanong pa ang binabato sa kin but I chose to walk out dahil kailangan ko pang bisitahin ang kaibigan ko, si Rachel.

Hindi naman kalayuan ang bahay niya sa bahay ko kaya ilang saglit lang ay nakarating na ako sa bahay niya. Naka tatlong katok ako sa pinto bago pa niya ako binuksan.

"Isha! Mabuti naman at natuloy ang pagdalaw mo dito. Kanina ka pa hinihintay ng inaanak mo." Sabi niya sabay hila sa akin papasok. Maagang nabuntis si Rachel pero hindi naman ito pinabayaan ng kanyang boyfriend na si Kenneth, ngayon ay magkalive-in sila kasama ng kanilang anak na si Mia na ngayon ay five years old na.

Nang makita ako ni Mia ay agad naman siyang tumigil sa pagddrawing at tumili bago pa tumakbo papunta sa akin para magpabuhat.

"Ninang I mwiss yu!" She said while hugging me tight. I'm so soft talaga when it comes to kids. I wonder kung kailan balak mag asawa ng kapatid kong si Leon? For sure kapag nagkaanak na sila ng kanyang girlfriend, isspoil ko yun ng mga laruan.

"Na-miss ka rin ni ninang. Kumain ka na ba?"

Umiling si Mia.

"Hindi pa po Ninang!"

"Anong hindi? Kakakain mo lang kaya! Gusto mo lang magpalibre sa ninang mo ng matamis." Biglang sabi ni Rachel. Napatawa naman ako. Etong si Mia napakatalino. Ang galing talaga mangdiskarte minsan.

A Sweet EscapadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon