Seventeen

180 1 0
                                    




Kaleisha's POV

Pagpasok namin ng San Agustin Church at nagtungo sa aming upuan at lumuhod muna kami at nagdasal. Matapos naman ay umupo muna kami at nag-usap.

"Thank you sa pagdala sa'kin dito." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

Mas lalo naman siyang lumapit sa akin at nilagay ang kanyang kamay sa ibabaw ng sandalan sakin.

"You're welcome. I'm glad I made you happy," I felt the sincerity when said that. Sa totoo lang gusto kong sabihin sa kanya na kahit naman dati ay masaya naman ako kapag kasama ko siya. Walang araw na hindi ko siya namimiss at iniisip. Akala ko malabo nang magkita kami ulit pero it happened.

"Akala ko hindi na tayo magkikita.." Yumuko ako para umiwas ng tingin sa kanya.

"So.. ayaw mo na akong makita ulit pala?"

Mabilis akong napatingin sa kanya at umiling. "Hindi ah, it's just that I didn't expect na magkikita pa tayo ulit and dito pa sa Manila." I explained.

"I want to see you again." He simply said.

I wanted to believe him but something is holding me back. Bigla kong naalala si Yna and their relationship. I don't want to be an option and Yna doesn't deserve to be cheated on. I respect whatever their relationship is dahil kung ako ang nasa posisyon niya, hindi ko rin deserve na maloko ng isang lalaki.

*****

Mag-aalas siete na nang naisipan na namin umuwi. Matapos ang pagpasyal namin sa Intramuros ay pumunta naman kami sa Harbor Point para kumain. Mabuti na lang at wala naman masyadong nakakilala sa akin at nakakain naman kami ng tahimik.

Malamig ang panahon ngayon dahil siguro ber month na kaya naman malakas ang ihip ng hangin. Naisipan naming tumambay sa manila bay dahil ayaw ko pang umuwi. Gusto kong sulitin ang pagkakataong ito na kasama ko siya. Matapos ang ilang linggong hindi kami nagkita ay ngayon pakiramdam ko na ito na ang huli. It's dangerous to be with him at hindi pwedeng maging kami. Madaming consequences ang mangyayari sa amin kapag ka ganoon.

Ngunit ngayon napagisip-isipan ko na gusto kong i-klaro lahat nang nangyari sa amin sa Siargao. Lahat ng magaganda at masasayang alala ay hanggang doon na lang. Kahit na saglit lang iyon ay parang matagal na.

Umupo kami sa may tabing dagat nakatanaw lang sa mga yacht na nasa tubig mula sa malayo. Medyo tahimik ang paligid dahil konti lang ang tao ngayon.

Habang nakatingin ako sa malayo ay nagsalita ako, "Alfonso.. May sasabihin ako"

Lumingon siya sa akin. "Ano iyon?"

"Salamat sa pagiging mabuting kaibigan. I really appreciate that pero I think it's better if lumayo tayo sa isa't isa. Mas makakabuti yon para sa ating dalawa.."

Kumunot naman ang noo niya at naging seryoso ang mukha niya. "Bakit? Bakit kailangan pang lumayo?"

"Para hindi magkaroon ng problema. Alam mo naman siguro yung situation ko ngayon diba? Ayoko lang masayang yung mga bagay na pinaghirapan kong maabot. I have a stable job, I have money, I can support my sibling's tuition, lahat ng bagay na hindi ko nagawa before." I reasoned.

A Sweet EscapadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon