Sagot
Kaleisha's POV
Dahil gusto namin magchill lang, pumunta kami sa isang coffee shop malapit lang sa Subdivision namin. Masaya ako dahil andito sila Chase at Angel. Makakasama ko na ulit sila. Kinwento nila ang mga naging pangyayari noon umalis ako sa Siargao.
"Sayang wala ka noong birthday ni Yna! Ang dami nilang pagkain na inihanda" sabi ni Chase.
Bigla ko naman naalala ang post ni Yna na kasama niya sa picture si Alfonso. Nagig mapait tuloy ang pakiramdam ko ngayon dahil sa ala alang iyon.
"Natanggap niyo ba ang pinadala kong mga cupcakes?" Tanong ko.
Tumango naman si Chase. "Ang sarap nga eh! Gawa mo ba iyon?"
Umiling ako at binigyan ko siya ng tipid na ngiti. "Nagpabake lang ako sa kilalang baker."
Sumimangot naman si Chase. "Kailan ka ba babalik sa pagbbake mo? Nakakamiss yung mga cupcakes at cakes na gawa mo."
Simula noong bata pa ako ay natuto na akong magbake dahil sa lola ko sa father's side,si Lola Esperanza. Ayun ang minana ko kay Lola dahil isa siyang kilalang pastry chef. Sa aming magkakapatid ay ako lang yung eager na matuto magbake at sinikap ko talaga para maging proud sa akin si Lola.
Pero lahat nang yon ay nagbago noong pinasali ako ni lola sa isang baking contest noong labing dalawang (12) taong gulang ako.
"Galingan mo Isha ha? Dapat manalo ka! Hindi pwedeng hindi ka mananalo naiintindihan mo ba iyon, Apo?" Paalala ni Lola Esperanza habang tinutulungan niya ako maghanda ng mga sangkap. Napalunok naman ako dahil sa kaba. Bigla na lang ako nakaramdam ng pressure. Sa totoo lang, ayaw kong sumali dito pero pinilit talaga ako ni Lola kaya naman um-oo ako. Dahil gusto niya bago siya mawala ay makita niya akong manalo sa isang baking contest.
"Apo? Kinakausap kita." Ulit ni Lola. Agad naman akong napatango ng mabilis.
"O siya, maiiwan na kita dito. Uupo na ako doon ha? Galingan mo." Nakangiting sabi ni Lola at saka naman umalis.
Ramdam ko ang pagpatak ng pawis ko dahil sa kaba. Habang nag-aayos ng mga gamit ay bigla kong nabitawan ang hawak kong tray ng itlog at tuluyan na nabasag lahat. ay may dalawang babaeng sing tanda ko lang na lumapit sa akin na nakahalukipkip.
"Reece, ayan ba yung apo ni Chef Esperanza? Mukhang hindi naman magaling. Tignan mo, lampa!" Tukso ng isang babae at sabay naman silang tumawa. Hindi ko muna iyon pinansin at tinuon ko yung pansin ko sa paglilinis ng mga nabasag na itlog.
"Ang sabi ni mommy sa akin, pinagmamalaki daw ni Chef Esperanza ang kanyang Apo na magaling rin magbake pero tignan mo nga yan, hindi pa nagsstart yung contest pero ang clumsy na niya. Paniguradong hindi yan mananalo." Nakangising sabi ng Reece habang nakatitig ng masama sa akin.
Napalunok ako at napayuko na lang.
"For sure, ikakahiya yan ni Chef Esperanza kapag siya ay natalo." Sabi ng isa niyang kasama sabay halakhak bago pa ito makaalis.
Imbis na makahinga na ako ng maluwag dahil wala na sila ay mas lalo akong nakaramdam ng kaba dahil sa mga sinasabi nila. Kailangan ko talagang manalo para maging proud sa akin si Lola. Bukod sa pagturo niya sa akin ng kanyang kaalaman ay malaking kahihiyan iyon para sa kanya kapag ako ay natalo dahil ang ibig sabihin noon ay naging palpak siya sa pagturo sa akin at ayokong mangyari iyon.
BINABASA MO ANG
A Sweet Escapade
RomanceIs it just an escape from the city or a new chapter begins when set on the beach?