Selos
Kaleisha's POV
"Magkwento ka na kasi ate please!!" Pagmamakaawa ni Angel. She really wants to know what happened between us. Kanina pa akong kinukulit eh sa katunayan nga may kasalanan pa itong mga 'to sa akin! Wala man lang pasabi na sa room sila matutulog ngayon! Nakakainis!
"Tsaka na! Kapag hindi na ako galit!" Sabi ko sabay irap. Hindi ko muna ikkwento sa kanya dahil sa hindi niya pagsabi sa akin na andito sila.
That night, Nahirapan talaga ako makatulog. Paano ba naman kasi, All I could think about was our kiss! Hinding hindi ko na yun makakalimutan. I couldn't hide my kilig without thinking about it. Hindi pa rin ako makapaniwala na si Alfonso ang first kiss ko. Gising pa kaya siya? Hindi ba siya makatulog rin ng maayos? Madaming bagay ang pinapagpabagabag sa isip ko.
Naisipan kong i-text siya dahil hindi ako makatulog.
Me:
Alfonso, gising ka pa?
Ilang saglit lang ay nireplyan niya ako. Biglang lumaki ang mata ko at ngumiti.
Alfonso:
Yes, I am. Why are you still up?
Me:
Hindi ako makatulog. Ikaw ba?
Napakagat naman ako ng labi habang nagtetext kay Alfonso. Hindi matagal nang nagreply ulit siya sa akin.
Alfonso:
Sorry, kakaisip ko lang yata sayo kaya hindi ka makatulog. You can sleep now, Isha.
Lumaki ang mga mata ko sabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Parang may kakaibang feeling itong nararamdaman ko. Napangiti naman ako ng todo.
Me:
Really? Kung ganoon, dapat ay itigil mo na yan at sasamahan mo pa ako bukas hindi ba?
Alfonso:
Yes, Ma'am. I'll go to sleep. Sabay na tayo.
Kinabukasan, maaga ako nagising para makapagluto ng breakfast para kay Angel at Mia. Simpleng scrambled egg and bacon ang niluto ko with toasted bread pa and pancakes. I don't usually eat rice in the morning, nakakabigat agad yun sa tiyan but for my situation, I have to maintain my figure.
Tinawag ko na sina Angel at Mia para kumain at habang inaayos ko na sila bago kumain may biglang kumatok sa pintuan. Tumigil ako at pumunta sa may pinto para buksan ito.
Si Alfonso agad ang bumungad sa harap ko, automatic na napangiti agad ako nang makita siya at ganoon rin siya. "Halika, kumain ka muna ng breakfast." Aya ko sa kanya at pinapasok sa room. Nang makita siya nina Mia ay nakita ko ang pag-ngisi ng dalawa sa isa't isa. Mukhang aasarin nanaman ako ng mga dalawang 'to!
"Ikaw ba ang nagluto niyan?" Tanong ni Alfonso bago umupo sa tabi ko. Tumango ako at nilagyan ko ng bacon si Mia na ngayon ay nakangisi pa rin sa akin.
BINABASA MO ANG
A Sweet Escapade
RomanceIs it just an escape from the city or a new chapter begins when set on the beach?