Ego
Kaleisha's POV
"Ano? Sila na?!" Gulantang tanong ni Rachel. It has been a week since I've just got back home here in Manila from Siargao. I paid Rachel a visit dahil nagpromise ako sa kanya na magkkwento ako. Pinakita ko sa kanya ng post ni Yna dahil nagpupumilit siya na makita yung picture.
Nagkibit balikat ako habang kumakain ng sandwich. "Sila man o hindi. I don't care." Sabi ko sabay irap. It took me three days para maka recover from seeing that post at ngayon wala na lang yun sa akin.
"You sound bitter! Sabi ko na nga ba may feelings ka kay Alfonso!" Tukso ni Rachel. Ngayon na lang ulit kami nakapagbonding dahil ngayon ay nasa daycare si Mia at kami lang ni Rachel ang nandito sa bahay nila. Ang asawa naman niya na si Kenneth ay nasa trabaho as always.
"Okay, let's just say na I liked him. LIKED ha. Past tense na yan baka hindi mo ma-gets. Tsaka ano naman kung sila na ngayon? Wala naman ako karapatan na magalit or what dahil hindi naman naging kami." Sabi ko.
"Pero diba nga sabi mo umamin rin sayo si Alfonso? Hindi ka ba naniniwala sa kanya?" Tanong naman niya.
Napabuntomg hinga ako at sumandal sa upuan. "Hindi ko alam okay? Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo noon o di kaya lasing din siya."
"Eh hindi ba kapag nalasing o nagkatama na yung tao ibig sabihin noon, maaaring totoo nga ang sinasabi niya? Bakit kasi hindi ka naniwala?" Nakakunot ang noo ngayon ni Rachel halatang seryoso na siya sa usapan namin. Sa totoo lang, ayaw ko na talaga pagusapan si Alfonso dahil masasaktan lang ako. Sa onting oras na magkasama kami sa Siargao doon ko naramdaman ang panandaliang saya na akala ko tatagal pa ngunit hindi na pwede.
"Naniwala ako noong una pero sa mga pinapakita niya, mas lalo lang akong naguguluhan. One minute, he's all sweet to to me and then the next hindi na! Lalong lalo na ang tungkol sa kanila ni Yna. I feel like isa lang akong babaeng sumingit sa isang relationship! I feel like I'm the snake in their relationship at ayaw ko naman mangyari yon. What if nililigawan nga talaga ni Alfonso si Yna? Ano ako? Hadlang?" My eyes started to water. Sobrang sakit lang isipin na masama kang tao sa mata ng iba.
Despite all of the fake rumors na ni minsan hindi ako affected bakit ngayon natatakot akong mahusgahan ng mga tao na isa lang naman akong hadlangsa isang relasyon? Kilalang kilala pa naman ako sa industriya at ganoon ang makikita nila tungkol sa akin? Takot ako sa mga maaaring mangyari. Hinihiling ko na lang na sana mawala na 'tong nararamdaman ko kay Alfonso.
Tumayo si Rachel at tinabihan ako para yakapin. "Ilabas mo lang yan, Isha. You didn't even know. And you barely know that guy naman so it's not your fault." She tried to comfort me. Niyakap ko siya pabalik at tuluyang bumuhos ang mga luha ko.
Sa totoo lang, tama naman siya. Ano naman ang alam ko sa buhay ni Alfonso? We've known each other for a week lang naman. Never ko pang narinig na magkwento si Alfonso habang magkasama kami. Tsaka ko lang nalaman ang isang parte ng buhay niya kay Berto, ang matalik niyang kaibigan. It's so weird na nagkagusto ako sa lalaking hindi ko naman lubusan nakilala. Only his background lang tungkol sa kanyang pamilya. Pa mysterious pa nga siya eh parang ayaw niya talaga magkwento tungkol sa buhay niya. Hindi ko naman yung pinipilit dahil sino ba naman ako?
Ilang saglit lang at nagsalita muli si Rachel "Gusto mo ba lumabas? Magshopping? Magparty? Kumain? Tell me para naman gumaan ang pakiramdam mo kahit papaano." Sabi niya habang hinihimas ang likod ko.
BINABASA MO ANG
A Sweet Escapade
RomanceIs it just an escape from the city or a new chapter begins when set on the beach?