Yakap
Kaleisha's POV
Naked Island
Nakarating na kami sa Naked Island at may iilang turistang nandoon na nagpipicture at naliligo rin sa dagat. Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga sinabi ni Berto. Tinigil niya ang bangka sa may sand bar at naunang bumaba si Alfonso at inbot niya ang kamay niya para alalayan niya akong bumaba pero hindi ko ito tinanggap.
Bumaba na ako ng bangka at nilagpasan lang siya. Ayoko muna siyang pansinin dahil baka maalala ko nanaman ang sinabi ni Berto. Naglakad ako patungo sa gitnang parte ng Naked Island. Hindi naman masyadong crowded ang lugar kahit na puno ito ng mga turista. I decided to take a video and share it on my social media account. Nang mahagilap ng camera ko si Alfonso na nakakunot ang noo niyang naglalakad sa kinatatayuan ko. Napatigil ako sa pagvivideo.
"Gusto mo kuhanin kita ng picture sa may dagat?" Tanong niya sa akin, umiwas naman ako ng tingin at umiling.
"Hindi na. Salamat na lang."
Ilang saglit lang at may lumapit sa amin na isang couple and they looked younger than me. "Hi Miss Kaleisha! Sabi na nga ba at ikaw po yung nakita ko!" Sabi ng babae sa akin habang nakangiti.
Ngumiti rin ako sa kanya.
"Noong nalaman kong nasa Siargao po kayo, saktong sakto dahil dito rin po kami nagbakasyon. Hinihiling ko nga lagi na sana makasalubong kita sa daan. Fan na fan mo po ako!" Sabi pa ng babae.
"Well, your wish came true. Anong ang pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.
"Ako po si Nikka at eto naman ang boyfriend ko, si John." Pakilala niya sabay hila sa boyfriend niya. "Babe, picturan mo naman kami!" Sabi ni Nikka. Tumango naman si John at kinuha ang kanyang phone.
Tumabi sa akin si Nikka at nagpose kami sa camera. Matapos ang ilang click ay napatingin naman si Nikka sa likod ko. "Miss Kaleisha, boyfriend niyo po ba siya?" Tanong niya sabay turo kay Alfonso.
Lumaki ang mata ko at agad na umiling. "H-Hindi, kaibigan ko lang siya." Sagot ko. Nahihiya na tuloy ako tumingin kay Alfonso pero alam kong nakatingin siya sa akin ngayon!
"Alam mo po, sayang kayo ni Leandro! Bagay na bagay po kayo. Isa akong Shipper niyo po!" Nakakakilig na sabi ni Nikka. Hindi na ako nagugulat dahil totoo naman na maraming nagsship sa amin ni Leandro dahil nga sikat siya at ako rin. Kahit na klinaro ko na magkaibigan lang kami ay patuloy pa rin ang pagsusuporta nila sa tambalan namin.
Napatingin ako kay Alfonso na ngayon ay nakasimangot at mukhang seryoso. Magkasalubong ang dalawang kilay niya na parang mukha siyang galit. Oh baka nasa isip ko lang yun. Hayst!
"M-Magkaibigan lang kami ni Leandro.." sabi ko at tumingin muli kay Alfonso na ngayon ay nakatingin na sa malayo. Hindi ko alam kung sinabi ko yon para malaman ni Nikka o para kay Alfonso para hindi mag-isip ng kung ano ano.
BINABASA MO ANG
A Sweet Escapade
RomanceIs it just an escape from the city or a new chapter begins when set on the beach?