Drunk
Kaleisha's POV
Matapos maligo sa tabing dagat ay napagdesisyunan namin na kumain na ng hapunan para may oras pa magprepare para sa night out namin mamayang gabi. 9pm daw ang meet up namin mamaya sa lobby para sabay sabay na daw kami pumunta sa Palaka Beach Bar. Sabi nila, gabi gabi daw mayroong night party dito sa Siargao, isa iyon sa mga dahilan kung bakit maraming may gustong pumunta. Para makisaya sa kanila. Magandang ideya iyon dahil para na rin makipagsocialize sa mga tao na andoon.
"Wag yan! Mukha kang manang!" Reklamo ni Rachel sa Video call. Pumipili kasi ako ng maisusuot para mamaya at gusto ni Rachel na tulungan ako. Sinabi ko rin sa kanya na babantayan muna ni Angel si Mia at mukhang wala namang problema sa kanya, sa totoo nga, mas gusto niya pa ako sumaya at sumama doon sa party na iyon.
"Dapat yung medyo revealing! Party nga eh." Echos niya habang pinagmamasdan niya ako magkalkal sa bagahe ko. Nakakapressure naman maghanap ng damit lalo na kapag may laging tutol sa mga gusto kong suotin.
Sa huli, nakapili na ako (sa tulong ni Rachel) ng susuotin, isang Rust na tube crop top at flowy na white skirt na medyo maiksi to pair with it. Hindi nga biro ang sinabi ni Rachel na kailangan revealing talaga ang suot ko. Ayos naman tignan sa akin.
"Ang ganda mo talaga, Isha" mukhang amaze na amaze ang itsura ni Rachel habang tinitignan akong mag- ayos ng buhok. Inisip ko na gawing wavy lang ang buhok ko for a change dahil lagi na lang nakastraight na mukhang banat na banat ang hair ko. "Now, remember enjoy ka lang at mag entertain ka lang ng mga tao doon. Wag mo nang alalahanin si Mia dahil makakausap ko pa rin siya kay Angel." Sabi niya at ngumiti.
"Daig mo pa si Mama kung makaremind." I said and chuckled. Namimiss ko na tuloy sila Mama, hindi sapat talaga ang video calls and messages talaga.
"Syempre! Dapat lang naman mabuhay yang social life mo. Pasalamat ka sa mga kaibigan ng pinsan mo."
Magsasalita sana ako nang biglang sumingit si Angel. "Ate, magsstay po muna kami sa kwarto ni Mama." Paalam ni Angel. Tamang tama lang dahil aalis na rin ako.
"Sige, sabay sabay na tayong lumabas. Doon ba kayo matutulog?" Tanong ko.
Nagkibit balikat lang siya. "Depende pa ate, pero baka nga oo. Para hindi na maistorbo tulog ni Mama."
Tumango lang ako at kinuha ang bag. Nagpaalam na ako kay Rachel at binaba na yung call. Sabay sabay na kaming lumabas sa room at hinatid ko muna sila sa room ni tita Claudia.
"Hija, Kasama mo sila Chase hindi ba? Mag-iingat kayo at wag masyadong maglasing ha?" Paalala ni Tita. Simula pa noong mga teenagers pa kami ni Chase, lagi nang lumalabas si Chase para gumimik. Hindi na bago yun kay Tita dahil naiintindihan naman niya at alam niya na pinalaki naman niya si Chase ng tama kaya malaki ang tiwala niya sa kanyang anak.
Pagdating ko sa lobby agad kong nakita sila Chase na naghihintay. Kulang pa si Alfonso, hindi ko alam kung pupunta ba iyon o hindi. Ngunit, ilang saglit pa ay dumating na rin siya. Napatitig lang ako sa kanya habang inaayos niya pa ang kanyang polo, he left three buttons open para makita ang muscular chest niya. Napalunok naman ako.
"Huy! Isha! Tara na!" Tawag ni Shayne sabay hila sa akin palabas. Tumingin ako kay Alfonso na ngayon ay nakikipagtawanan kay Chase.
BINABASA MO ANG
A Sweet Escapade
RomanceIs it just an escape from the city or a new chapter begins when set on the beach?