MATAPOS iparada ang minamanehong luxury car ay pinagmasdan ni Sab ang labas ng Club Extas. A modern glass and concrete structure, it looked like an office building. Sa sentro ng bluish gold glass walls ay may malaking logo ng establishment. It was very tastefully designed, she had to admit.
"Nice cover-up, bitches."
Dati pa siya may naririnig tungkol sa Club Extas. Ayon sa umiikot na balita, hindi lang iyon ordinaryong club. It was an elite members-only sex club.
Hindi halata kung labas lang ang pagbabatayan. But of course, expected nang magiging discreet ang mga ito sa publiko. Pero sigurado siyang ibang usapan ang loob niyon.
Tiningnan niya sa rearview mirror ang repleksiyon. Perfect sexy hair and and makeup, and even more perfect fuck me outfit. I'm ready. Are y'all ready for me?
Her ruby red lips curled into a smile. Bumaba siya ng hiniram na Porsche at lumapit sa club. "Hi!" bati niya sa dalawang security na nagbabantay sa entrance. She noticed they were both quite good-looking.
"Name, ma'am?"
"Sabrina Alejandrino."
Hiningi ng security ang pangalan niya dahil ngayon lang siya nakita ng mga ito. Nang Tuesday lang kasi siya nagpasa ng membership application sa Club Extas, at three days pa bago siya naka-receive ng e-mail na tanggap na siya. Sigurado siyang chineck muna ng management kung totoo ang mga impormasyong inilagay niya sa application para mapatunayang qualified siya.
Wala naman siyang binayaran dahil free na magpamiyembro ang mga babae sa Club Extas, as long as pasado ang mga ito sa mahigpit na requirements. Mabuti na lang dahil to be honest, hindi malaki ang kinikita ni Sab bilang blogger at content creator. Pero may milyones siya sa bank account na binuksan ng parents niya para sa kanya years ago-pera na ipinangako niya sa sarili a long time ago na hinding-hindi niya gagalawin.
"Cleared," wika ng security na tumingin sa club list.
"Thanks, hottie!" Kumindat siya bago lumapit sa sensor door.
Pagpasok ng entrance ay maliit at eleganteng lobby ang bumati sa kanya. Sa dulo niyon ay may nakita uli siyang pinto. Confidently, itinulak niya iyon at pumasok... para lang matigilan.
Holy fucking shit. It was... quiet. She'd expected an erotic orgy no less, but no, ang tame ng mga taong naabutan niya. Nag-uusap-usap ang mga ito tulad ng mga sibilisadong tao sa isang normal party setting ng mga mayayamang tao. At ang suot ng mga ito! Ang didisente! Okay, sexy pa rin naman ang kasuotan ng mga babae pero hindi nakakaeskandalo. Ang mga lalaki ay naka-suit and tie karamihan.
Horrified, she looked at her racy red silk dress. Oh no, I didn't!
Bigla ay gusto niyang maghanap ng maipantatalukbong sa katawan niya na kitang-kita ang lahat ng kurba sa manipis at maiksing kasuotan. Worse, may mga nakapansin na sa kanya. The women gave her a "what were you thinking" look. While the men were surprised, but looked interested.
Kung ibang babae lang siya ay nilisan na niya ang lugar na iyon dahil sa pagkapahiya. But she was Sabrina Alejandrino. Nag-effort na siya nang husto makapasok lang sa Club Extas, ayaw niya iyong sayangin. Hindi siya aalis hangga't wala pa siyang material para sa susulating new entry sa kanyang blog. Kailangan niya munang ma-experience ang maio-offer ng Club Extas. Well, not totally. Sapat lang para may mai-share siyang exciting sa followers niya.
Ang tema ng blog niya ay pagsubok sa mga bagay na out of the ordinary, sometimes taboo, na hindi paglalakasan ng loob ng ibang mga babae no matter how curious they were. Nang maalala ang mga bagay na sinubukan na niya noong gawin para sa kanyang blog, she decided na chicken feed lang ang bagong adventure niya na ito. So chin up, shoulders back and tits out, she started to make her way across the room.

BINABASA MO ANG
SLEEPING WITH THE DEVIL ✔️
Storie d'amoreR-18 Completed Ang balak lang naman ng ex-journalist na si Sabrina Alejandrino ay i-feature sa kanyang blog ang Club Extas. Acccording to rumors, sex den iyon ng mga rich. Hindi niya akalaing makikita niya roon si Phineas Polivega, the infamous and...