_JINNY_
Hindi ko mapigilang mapamura ng makita ang pamilyar na mga unipormadong kalalakihan na pumasok sa cafe kung nasaan ako ngayon. Halos mapangiwi pa ako ng kaagad na naglingunan ang ibang mga customers sa kanila na hindi naman nila alintana.
Tch. Palibhasa, mga bato at well-trained ang mga ulupong! Pero pasensya na lang sila dahil mas well-trained ako sa kanila. Well-trained na magtago at tumakas sa mala-CCTV nilang mga mata na natatabunan ng mamahaling mga sunglasses nila.
Dahan-dahan akong gumapang paalis sa ilalim ng mesa na tinataguan ko patungo sa isa pang mesa na pwede kong pagtaguan ulit. They're on their move on searching for me in every corner of the cafe. Too bad, I'm good at hiding.
My lips curve upward as I saw them spread inside the cafe. Pasimple akong tumingin sa entrance door.
Nice. Walang bantay. Kung ieestimate ko naman ang mga layo ng walong kalalakihan na kinareer na yata ang pagka-men-in-black nila sa pinto at nung nasigurado kong may chance akong makalusot ay hindi ko napigilang ngumisi.
Muli kong inumpisahan ang paggapang sa sahig habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanila at sa pinto. I am almost there! Almost! Two more steps! Two, On----
"Hey, little kitten." bigla akong nabato ng marinig ang baritong boses ng isang lalaki. Pakiramdam ko ay kaagad na naregenerate ang buong katawan dahil doon at ready na akong basagin ang pagmumukha ng kung sino mang pontio pilatong tumawag sakin.
Hindi ako nagfefeeling dahil sigurado akong ako ang tinutukoy niyang maliit na kuting. Lalo na at nakita ko ang pares na mamahalin at shumashining shimmering niyang sapatos na tumigil sa mismong harapan ko.
Mas lalo akong napayuko ng maramdamang yumukod ito para pantayan ako.
Tang ni Kendra na dalandan! Kennat be! Paniguradong napansin na rin ako ng mga kampon ni Tanda!
Pakiramdam ko ay malapit na ako sa boiling point ko ng maramdaman ang mainit na haplos ng isang kamay sa pisngi ko pababa sa aking panga. Pamilyar sakin ang haplos na yun at yun ay haplos ng kampon ni Adan na kinamumuhian ko.
"Why are you crawling in this dirty floor?" Nesf*ta! Nasesense ko din kung gaano kaharot ang nilalang na nasa harapan ko ngayon at isa lang ang ideyang pumasok sa isipan ko. At iyon ay ang bangasan ang pagmumukha nito. Bago pa man niya maiangat ang mukha ko ay lumipad na ang kamao ko sa pagmumukha niya kaya nabitawan niya ako at napalayo siya sakin.
"F*CK!" matigas na mura niya dahil sa ginawa ko.
"Whoo! Satisfied!" bulalas ko at ipinatunog pa ang mga daliri ko bago nginisihan ang walanghiyang kalahi ni Adan na naglapastangan sa makinis kong pisngi na sa ngayon ay nakahawak sa dumudugo nitong ilong. Nagbabaga ang mga mata nito habang nakatingin sakin ngayon.
"What the hell is your problem, woman?!" nanggagalaiti niyang sigaw sakin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Pinagcross ko ang mga braso ko sa aking dibdib at sinipa ang paa niya.
"Ow! Damn it!"
"Haharang-harang ka, dude." maangas kong sagot sa kanya na ikinatanga niya kaya muli ko siyang tinaasan ng kilay. Nagdilim ang mukha niya at mabilis na tumayo kaya medyo napaatras ako. I hate male species who are near me. It makes me feel electrified. Not in a good way but in a very bad way. And when I say bad way, it screams danger.
"You! Do you even know me?!" dinuro-duro niya ako kaya hindi ko maiwasang mapaatras para iwasan ang daliri niyang tumama ni dulo nito sa balat ko. Gago 'to ah!
Kunwari kong kakagatin ang daliri niya kaya kaagad niya yung inilayo sakin at mas lalo akong sinamaan ng tingin. Hindi naman ako nagpatinag at pasimpleng pinagmasdan ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
Cupid's Game [Completed]
RomanceLOVE STRINGS Series III She hates being with men, and He loves playing with women. They're a total stranger to each other until Cupid raise his bow to play with them. Now they are on a game. A game where they are free to kill each other. "I don't li...