_JINNY_
"It will be on April six. Wala na talagang urungan 'to." Masayang saad ni Charm na maging ako ay napapalapakpak sa sobrang saya at kilig. Kaagad namang namula ang pisngi ni Mari dahilan na mapatili kaming dalawa ni Charm.
"Road to Mrs. Lacsamana na siya. Ayiee~" panggatong ko pa na mas lalong ikinapula ng pagmumukha niya. Mas lalo kaming napasigaw ni Charm pero kaagad na napalitan ng sakit ang tono ko ng maabot ni Charm ang nananahimik kong buhok. Walanjo talaga itong babae na 'to pag nasobrahan. Nananakit na!
"Ay, sorry. Hahaha." Kaagad niya hingi ng sorry sakin at binitawan ang buhok kong nagulo na sa pagkakaponytail. Napasimangot na lang ako at lumipat sa tabi ni Mari at yumakap na parang inaapi.
"Whaaa~ Mari! I-ban mo nga yang si Charm sa kasal mo. Nananakit eh." Parang bata kong pagsusumbong na ikinatawa lang nilang dalawa. Mas lalo lamang akong napasimangot. Kahit kailan talaga ang bully nila.
"Aww~ Wawa naman ang bibi namin. Come here to momma, bibi. Halika't ayusin natin ang buhok mo." Natatawang sabi sa akin ni Charm pero umiwas lang ako ng tingin sa kanya na para bang nagtatampo pero ang totoo ay hindi naman talaga. Trip ko lang talagang magdrama ngayon. Isa pa, ngayon lang ako ulit nakalabas sa lungga ko.
"Aish. Arte pa." Naiiling na lamang na pagsuko niya at siya na mismo ang tumayo at lumapit sa akin. Kaagad ko naman siyang nginisihan. Umupo siya sa tabi ko kaya ang ending ay ako naman ang napapagitnaan nilang dalawa ni Mari. Mabilis akong humiwalay kay Mari at umayos ng upo na tumalikod kay Charm na nagsimula ng alisin ang pagkakaponytail ng buhok ko.
"How old are you again, Jinny?" Natatawang tanong sakin ni Mari pero binelatan ko lang siya kaya napailing siya.
"Geez. Mabuti na lang at kilala ka na namin. Dahil kung hindi, paniguradong mapagkakamalan kang bata na nasa katawan ng matanda." Kaagad na sumama ang mukha ko sa sinabi niya.
"Grabe ka naman sakin, Mari. Twenty-six pa lang ako no. Kung maka-matanda ka naman!" Angal ko na ikinatawa nilang dalawa ni Charm. Kalaunan ay napangiti na rin ako at nakisabay sa kanila.
Gosh! I really miss them. Kung hindi lang sana umepal si Tanda, edi sana hindi ako parang kabute na pasulpot-sulpot na lang sa bahay nila. Edi sana nakakapag-adventure time pa kaming tatlo. Pero mukhang malabo din na mangyari yun. And thinking of the reason saddens me.
Pasimple kong sinulyapan ang maamong mukha ni Mari na sa ngayon ay tawa pa rin ng tawa. She's happy and contented with her life now. She's finally complete so as her missing memories and heart. She already has her love of her life which is Sherson. And I'm happy for her.
Then, I silently observe Charm who is currently going with the flow of our happiness. She's happy too. But then, I know that deep inside, she's not. She's still broken. Incomplete and searching for her missing piece. But then, she still continue to smile and pretend to be strong in front of everyone.
She's maybe laughing but deep down, she is bleeding and mourning. That's why as long as we are together, we don't want her to feel sad.
"Sana naman ay hindi ako masagap ng radar ni Tanda sa kasal mo." Nag-aalalang sabi ko habang nilalaro ang buhok kong tinirintas ni Charm. It was only braided on both side near my ears and the rest remains at the back. Mas lalo tuloy akong nagmukhang bata tignan.
"Bakit ka ba kasi nagtatago sa lolo mo? Yan tuloy, pati pinakamamahal mong Ducati pinalayo sayo." Napasimangot naman ako sa sinabi ni Charm na sa ngayon ay ngumangatngat na naman ng strawberry. Kung alam lang niya kung saan nanggaling yang kinakain niya, panigurado iluluwa niya lahat ng yun. Pero syempre hindi namin sasabihin. Ayaw naming mabugahan ng apoy ni Mari no!
BINABASA MO ANG
Cupid's Game [Completed]
RomanceLOVE STRINGS Series III She hates being with men, and He loves playing with women. They're a total stranger to each other until Cupid raise his bow to play with them. Now they are on a game. A game where they are free to kill each other. "I don't li...