_JINNY_
Hindi ko mapigilang umungol dahil sa sobrang sakit ng ulo. Everytime na imumulat ko ang aking mga mata ay nahihilo ako. Gumulong na lang ako kama at nagtalukbong ng kumot nang marinig ang boses ni Vyna.
"Uminom ka muna ng kape para kahit papaano ay mahimasmasan ka." Sabi niya pero isang ungol lang ang isinagot ko sa kaniya. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko at hinila ang kumot na nakatakip sa mukha ko kaya muli akong napaungol sa inis.
"Ayaw!" Parang bata kong sagot kaya nakatikim ako ng hampas mula sa kanya.
"Aray! Masakit, Vyn~" reklamo ko at akmang magtatalukbong muli pero pinigilan niya ako. Natatawa siyang umiling.
"You're showing the real you now, Jinz. Remember, nasa labas lang ang pinsan ko." Paalala niya sakin kaya mabilis akong napabangon kahit nakapikit pa rin at napasigaw na lamang sa inis. Tuluyan ko ng iminulat ang mga mata ko at nanlalantang nilingon si Vyna. Ngumuso ako at sumandal sa balikat niya pero mabilis niya akong nabatukan kaya muli akong napasigaw. Tinawanan lang niya ako at inabot sa akin ang tasa na may lamang kape.
"Kasalanan yun ng magaling mong pinsan. Bigyan ba naman ako ng alak. Tarantado yun. Humanda sakin ang lalaking yun at papainumin ko siya ng gasolina." Nanggigigil na bulong ko at humigop ng kape pero napasigaw din kaagad ng humapdi ang labi ko.
"Oh? Napaso ka?" Gulat na tanong ni Vyna pero umiling lang ako at dinilaan ang gilid ng labi ko. Muli akong napangiwi ng maramdaman ang hapdi na sinundan ng lasang kalawang. Saglit akong natigilan.
"May sugat ba ako dito?" Tanong ko kay Vyna at lumapit sa kanya. Kmununot naman ang noo niya ay yumuko para tignan ang parte ng labi kong mahapdi. Kumurap siya ng ilang beses bago nagsalubong ang mga kilay na lumayo sakin.
"Saan mo nakuha yan?" Nagtatakang tanong niya. Hindi ko na kaagad na nasagot dahil sa maging ako ay hindi ko din alam kung saan ko nakuha ito.
"Baka nakagat ko noong nalasing ako?" Kaagad namang bumagsak ang balikat niya sa sinagot ko. Umiling siya sakin.
"Yan kasi eh. Inom pa." Sarkastik na sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ginusto ko ba? Ha? Ginusto ko?" Sarkastik ko ding balik sa kanya na ikinatawa lang niya. Napairap na lamang ako ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya sabay kaming napalingon dito. Bumukas yun at sumilip ang pagmumukha ng pinsan niyang bagong ligo. Tagaktak pa ang ilang ng tubig sa buhok nito habang malaki ang ngising sinulyapan si Vyna na kaagad ding lumipat sa akin.
Pasimple lang akong tumikhim at umiwas ng tingin. Ayokong magkasala ng ganito kaaga. Masakit pa ang ulo ko at medyo, nahihilo pa rin kaya ayokong mas lalong mahilo habang nakatingin sa makasalanang pagmumukha ng alien na yun.
"Aalis muna ako." Paalam niya kay Vyna. Muli ko na lamang hinipan ang umuusok kong kape at hinigop yun pero muli ding napangiwi at napahawak sa labi ko.
Putragis! Saan ko ba kasi ito nakuha? Natumba ba ako kagabi at nangudngod ang nguso ko sa sahig? Aish! Kaya ayokong uminom ng basta-basta kasi wala akong maalala pagsapit ng umaga!
Magkasalubong ang mga kilay ko habang paulit-ulit na hinimas ang sugat ko nang mapansin ang titig sa akin ni Vernon kaya ko siya nilingon. May mapaglarong ngiti sa labi nito habang nakatingin sa akin kaya ang ginawa ko ay pinalitan ko ng gitnang daliri ko ang hintuturo ko sa paghimas ng labi ko. Na para bang pinapakitaan ko siya ng 'pakyu' na ikinatawa niya. Inirapan ko na lamang siya at tumalikod. Dinedemonyo na naman niya ako.
"Are you going to see Tita?" Dinig kong tanong sa kanya ni Vyna.
"Yeah. I think I have to face Dad this time. Wish me luck, cuz." Muli ay napairap na lang ako.
BINABASA MO ANG
Cupid's Game [Completed]
Lãng mạnLOVE STRINGS Series III She hates being with men, and He loves playing with women. They're a total stranger to each other until Cupid raise his bow to play with them. Now they are on a game. A game where they are free to kill each other. "I don't li...