ROUND#29

189 10 3
                                    

[A/N: This chapter is dedicated to clairevonexx. Hi! Thankyou for the recent votes. Enjoy reading! Mwaps!]

_JADE NATHALIE_

"Don't ever do that stant again, Jade Nathalie. Paano kung tuluyan kang nahulog kanina?" nagpupuyos sa galit na singhal sa akin ni Vernon, hindi ko siya pinansin at nakatuon pa rin ang mga mata sa flat screen.

Dakdak lang siya ng dakdak na inilalabas ko rin naman sa kabilang tenga ang mga naririnig ko.

Dahil kasi sa eksenang 'yon kanina ay pati si Grandpa ay lumabas na rin. Sa takot na baka atakihin ito sa puso ay wala pang isang minuto ay sumirit na kami ni Charm pababa ng veranda. Nadulas pa ako pero mas kawawa si Charm kasi inalalayan nga niya ako, siya naman itong iika-ika ngayon.

"Ano ba kasi ang pumasok sa mga kokote niyo at naisipan n'yong doon umupo?" asik ni Cobbie na nakahalukipkip sa kabilang single sofa na kaharap ng inuupuan ni Charm.

Ngumiwi si Charm, ako naman ay sumimangot lang. Naramdaman ko ang pag-usog ni Vernon palapit sa'kin kaya awtomatikong naghurumentado ang puso ko. Pasimple akong lumunok at pinanatiling matigas ang mukha.

He reached for my hand and I got electrified, sa gulat ay kaagad ko 'yong nilayo na ikinatigil niya. Bumagsak ang kamay niya sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam pero nasasaktan na naman ako. Ilang sandali na lang ay alam kong maiiyak na naman ako.

"J-Jade," tila nahihirapan niyang sambit sa pangalan ko at tila humiwa 'yon sa puso ko. Kahit ganon ay pinilit ko pa ring huwag magkaroon ng pake. Pagod na akong mag-assume. Ayoko ng masaktan kasi ang hirap magmove-on! At higit sa lahat, mahirap ang lumimot.

"Cobbie, pakihatid mo muna ako sa kwarto ni Jinny." biglang sambit ni Charm na ikinasinghap ni Cobbie.

"Ano?! Bakit ako? Puteks, Charm! Di kita type!" eksaheradong saad nito at may pahawak-hawak pa sa dibdib niya. Napangiwi na rin ako katulad ni Charm.

"So eww ka, Cobbie. The feeling is mutual. Nagpapahatid lang ako dahil masakit ang paa ko." muli na naman itong suminghap na ikinaikot ng mga mata ko.

"Kailan pa ako naging alila mo?! May pinapasweldo ka sa'kin, ha?!" assumero talaga ng lalaki'ng 'to. Naiisip ko tuloy minsan na itapon na lang siya sa mars. Andami pa niyang reklamo pero sa huli ay tinulungan na rin si Charm, kami na lang tuloy ni Vernon ang naiwan sa sala.

Napatampal na lamang ako ng noo ko nang marealize ang plano ni Charm. Sh*t! I'm not ready for this!

I heard Vernon sighed beside me but I remain unmoving.

"I'm sorry," tahimik akong napamura nang mahimigan ang lungkot sa kaniyang boses. Sinubukan kong pigilan ang aking paghinga para huwag tuluyang magbagsakan ang nagbabadyang luha ko pero ang pagtitimpi kong 'yon ay tuluyang nasira nang maramdaman ang paghawak niya sa kamay ko.

In just a snap, tears fell endlessly. I saw him panicked, doesn't know what to do to stop me from crying. Tumayo siya at pumwesto sa aking harapan, wala sa sariling iniluhod ang isang paa at ikinulong ang aking mukha sa kanyang palad. Gamit ang kaniyang hintuturo ay pinahiran ang aking mga luha.

There's a sadness and pain on his eyes and it reflects mine.

"I'm so sorry for being a jerk and for making your cry, honey. Please, I hate seeing you cry." he pleaded but I only got worse. I can't stop. I just can't, especially that the wound he carved in my heart is still fresh and it is hurting like hell.

He moved closer to me and rest his forehead on mine and I can't help but close my eyes.

Gusto ko siyang itulak palayo sa'kin. Sapakin at sampalin, but part of me wanted to be selfish and hold him close and let him stay. Pero sa huli, nangibabaw pa rin ang sakit.

Cupid's Game [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon