_JINNY_
[Magsabi ka nga ng totoo sakin, Jinny. Nagtanan kayo no!]
Pang-aakusa niya na ikinalaki ng mga mata ko.
"Hala! Si Charm, parang tanga!"
[Hala! Si Jinny, parang gaga!]
Ginamit pa talaga niya ang tono ng boses ko. Sumimangot ako. Siya naman ay halos tagain na ako ng mga tingin niya. Panigurado akong kung nasa harapan ko lang siya ngayon ay nasabunutan na ako nito. Good thing at nagvivideo call lang kaming dalawa. Safe pa rin ang buhok ko mula sa kaniya.
[Jinny, nag-iisip ka ba ng matino? Hoy, bruha! Lalaki yan! Kampon ni Adan! May sperm and most of all, may bayag!]
Hindi ko mapigilang mapahalakhak sa tinuran niya. Tarantado din kasi itong si Charm, kung minsan ay wala talagang preno ang bunganga.
"Kalma! Kontrolado ko siya." Pagyayabang ko kahit na hindi naman totoo. Slight lang. Malandi at babaero lang talaga si Vernon pero alam pa rin naman niya ang boundaries sa aming dalawa.
Tinaasan lang niya ako ng kilay at may nagdududa akong tinignan.
[Oh, really? Sinong niloko mo? Isusumbong kita kay Mari! Sasabihin ko sumama ka sa isang malanding maligno!]
Pananakot niya na mas ikinatawa ko.
"Hindi nga! Kalma ka lang kasi! Ayos lang talaga ako. Promise! Hope you die!" Itinaas ko pa ang kaliwang kamay ko na ikinaikot ng eyeballs niya. Maldita.
[Hope you die mo mukha mo! Basta ako, binalaan na kita. Huwag kang gagapang sa akin kapag iyang lalaking yan ay nai-home run ka.]
Ngumiwi ako sa sinabi niya. Home run talaga?
Pagkatapos ng usapan namin ni Charm ay naglinis ako ng buong condo. Boring kasi at wala akong magawa kaya ang mga alikabok dito ang napagdiskitahan ko. Hindi ako masyadong nahirapan dahil sa malinis naman sa bandang sala kaya ang kwarto naman ni Vernon ang hinalungkat ko.
Isineperate ko yung mga shirts na gusto ko sa mga hindi ko tipo. Sa left side is yung mga gusto kong suotin at sa right side naman ay bahala na si Vernon dun. Kapal ko diba.
Sunod kong pinakialaman ay yung drawer na nasa bandang ilalim ng closet. Doon kasi nakalagay ang mga boxers niya. Kumunot pa ang noo ko ng makitang pati yung mga undergarments ko ay nandoon din.
"Tarantado yung alien na yun ah." Inilabas ko yung akin at binuksan ang katabi nitong drawer na ang laman ay mga nakaplastic pang mga boxers niya at doon ko muling nilagay yung akin. Pag ito talaga binalik ulit ni Vernon sa tabi ng mga boxers niya ay sasabunutan ko na siya.
Sinunod ko na ang isa pang drawer na naglalaman ng mga necktie niya at kumuha ng isa. Tumungo ako sa harap ng malaking salamin na nakasabit sa dingding para tignan ang repleksyon ko habang itinatali ang necktie na napagdiskitahan ko sa ulo para gawing headband.
Wala kasi akong pantali. Naiwan doon sa banyo ng apartment ni Vyna. Mahaba pa naman ang buhok ko. Nagmumukha akong mambabarang dahil sa hindi ko napusod. Tamad pa naman akong magsuklay minsan kaya most of the time, messy bun or ponytail ang hairstyle ko.
BINABASA MO ANG
Cupid's Game [Completed]
RomanceLOVE STRINGS Series III She hates being with men, and He loves playing with women. They're a total stranger to each other until Cupid raise his bow to play with them. Now they are on a game. A game where they are free to kill each other. "I don't li...