_JINNY_
Madilim pa rin nang magising ako dahil sa hindi ko maexplain na pananakit ng puson ko. Hindi naman ako natatae o kung ano pero kahit ano mang gawin kong pwesto para makatulog na ay hindi pa rin ako komportable. Sa huli ay bumangon na lamang ako kahit na sobrang antok ko pa rin.
Nasa kwarto ako ngayon ni Vernon at nandoon siya natulog sa couch. Wala naman akong reklamo kasi siya na mismo ang nag-insist sa akin kanina na doon na lang siya. Okay naman sa akin yun dahil mas safe ako kapag dito sa loob ng kwarto niya. Puwede akong maglock ng pinto para masiguradong hindi niya ako papasukin habang tulog ako. Wala pa naman akong tiwala sa manyakis na lalaking yun.
Sinubukan ko ulit na humanap ng maayos na pwesto. Halos pinalilibutan na nga ako ng unan--tig-iisa sa magkabilang tabi, isa sa paanan ko, may isang niyayakap ko at isang pinapatong ko sa likuran ko pero wala pa ring epekto. Hindi pa rin ako makatulog dahil sa pananakit ng puson ko. Inabot ko ang aking cellphone na katabi ng lampshade para tignan ang oras. Kaagad akong napamura ng makitang pasado alas tres pa lang umaga. Sa sobrang inis ay sinipa ko ang isang unan at mabilis na bumaba sa kama para pumasok sa banyo.
Itatry ko sanang maglabas ng sama ng loob pero iba ang lumabas.
"Tangna! Pag minamalas ka nga naman!" Napasabunot na lamang ako ng buhok dahil sa inis. Kaya pala sumasakit ang puson ko. Mas lalo akong napasabunot ng aking buhok ng may pa akong naalala.
Double sh*t! Wala akong dalang napkin! Nag-init ang mukha ko nang may sumagi sa aking isipan. Kulang na lang ay maglumpasay na ako dito sa loob ng banyo ni Vernon dahil sa tindi ng kahihiyan. Packer! Kung bakit kasi ngayon pa umeksena si mars! Talagang alas tres pa ng umaga.
Pinakalma ko muna ang aking sarili bago humugot ng lakas ng loob para ipahiya ang sarili sa harap ng malanding alien na natutulog ngayon sa sala.
Naghilamos muna ako ng mukha at tinuloy na ang paglabas ng banyo para tumungo sa sala kung saan natutulog ngayon si Vernon. Napakagat ako ng ibabang labi ng masilayan siyang mahimbing na natutulog sa hindi ganoong kalakihang couch. Halatang hindi siya komportable sa hinihigaan niya. Napalunok ako bago humakbang papalapit sa kanya. Mahina kong tinapik ang kanyang braso na nakalaylay sa ilalim ng couch.
"U-uy.." Mahinang tawag ko na alam ko namang hindi niya maririnig. Naikagat ko na lamang ang kuko ko sa katangahang pinanggagawa ko at sa tindi ng kahiyayan. Malalim na lamang akong bumuntong hininga para palakasin ang loob na muli itong tinapik.
"V-vernon..." Nanginginig ang boses kong tawag sa kanya. Muli akong napalunok nang gumalaw siya at unti-unting iminulat ang mga mata. Tila naumid ang dila ko at nagblangko ang pag-iisip nang tuluyang nakasalubong ko ang namumungay niyang mga mata. Bumuka ang labi ko pero walang salita ang lumabas sa bibig ko.
Para akong nahihipnotismo habang nakatingin ng diretso sa kulay abo nitong mga mata hanggang sa bumaba ang tingin ko sa natural na mapula nitong labi at napalunok ng wala sa oras.
Naramdaman ko ang pagdikit ng mainit niyang palad sa aking pisngi dahilan na napabalik ang tingin ko sa namumungay niyang mga mata na sinundan ng pagragudon ng tibok ng puso ko nang unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin.
Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko at paggapang ng kakaibang sensayon sa katawan ko ay aksidente kong nakalmot ang kaliwang kamay ko na kaagad na nagpagising sa aking diwa. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na sobrang lapit na ng mga mukha namin at konti na lang ay maglalapat na ang aming mga labi.
Sa sobrang taranta ko ay naitulak ko siya at mabilis na napatayo. Pucha! Muntik na!
"Fvck! What the hell! Jinny?" mura niya na tila nahimasmasan. Sobrang init na ng magkabilang pisngi ko ngayon habang tinitignan siya na para bang ngayon lang niya ako napansin.
BINABASA MO ANG
Cupid's Game [Completed]
RomanceLOVE STRINGS Series III She hates being with men, and He loves playing with women. They're a total stranger to each other until Cupid raise his bow to play with them. Now they are on a game. A game where they are free to kill each other. "I don't li...