ROUND#21

189 35 0
                                    

[A/N: This chapter is dedicated to Noctilucent_Kloudz. Thankyou for the recent vote. Enjoy reading! Mwaps!]

_JADE NATHALIE_

"Lasing ka na sa lagay na yan?" Ngising tanong sa akin ni Charm nang makita akong paekis-ekis na naglakad patungo sa couch. Umupo ako sa tabi niya at pinulupot ang isang kamay sa braso niya bago muling tinungga ang Jack Daniels. Agad din akong ngumiwi ng maramdaman ang pagguhit nun sa lalamunan ko. Tumawa naman si Charm.

"Hindi ah. Nahihilo lang." Sagot ko sa kanya at sumandal sa balikat niya.

"Nahihilo daw. Sige nga, ilan 'to?" kumunot ang noo ko at pilit na inaaninag ang kamay niyang nasa harap ko. Kita ko ang dalawa nitong kamay na medyo nag-iintersect na.

"Ten." sagot ko kaya malakas siyang tumawa.

"Sira! Lima lang 'to." sumimangot ako sa sinabi niya at mas lalong sumubsob sa balikat niya na parang tutang gustong magpalambig sa amo niya. Kaagad ko namang naramdaman ang marahang paghaplos niya sa ulo ko.

"Aww, ang bibi Jinny namin. Nagpapalambing na naman. Palibhasa lasing na." mas lalo akong sumimangot. Sino ba ang nag-aya ng inuman? Siya kaya itong sumundo sa akin sa bahay at kinaladkad dito sa bahay niya. Halos tatlong araw na rin kasi akong nagkukulong sa studio room ko at inabala ang sarili sa pagpipinta. Doon na nga rin ako nakakatulog at doon rin niya ako nadatnan kanina.

Ni hindi rin ako nakaligo at sigurado akong ang dungis ko ngayon. Suot ko pa rin ang manipis na hanging shirt at cotton shorts. May mga bahid pa ito ng mga pinta. Ni wala pa akong ligo pero ang lakas ng loob kong dumikit kay Charm.

"Charm, paano magmove-on sa taong hindi naman naging kayo?" malungkot na tanong ko makalipas ang ilang minutong pananahimik ko. Naramdaman ko ang pagtigil ng pagsuklay niya sa buhok kong hindi din nakatikim ng suklay mula kaninang umaga.

Naramdaman ko ang pagbuntong hininga niya bago ipinagpatuloy ang pagsuklay ng buhok ko gamit ang mga daliri niya.

"Yan na nga ba ang sinasabi namin ni Mari sa'yo eh. Ang tigas kasi ng bungo mo." mahinahon lang ang pagsabi nito pero tinamaan talaga ako ng sobra.

Napalunok ako nang muling maramdaman ang pagkakabara ng kung ano sa aking lalamunan na sinundan ng paghapdi ng aking mga mata.

"Bakit ang dali kong mahulog sa maling tao?" sunod kong tanong sa kaniya at pilit na inaayos ang aking paghinga dahil sa bigat na nadarama dahil. Bawat paghinga ko ay hindi ko maiwasang maramdaman ang paninikip ng dibdib ko. Para itong nilalamukos lalo na sa tuwing naaalala ko ang nangyari noong birthday ni Vernon.

Alam ko noon pa na hindi magiging maganda ang kalalabasan ng paglalapit namin sa isa't isa. That he's not healthy for my system but in the end, I still let him enter my life and the worst part is, I let myself fall for him.

Hindi ko narinig pang sumagot si Charm. Alam ko naman kasi na maging siya ay hindi rin niya alam ang sagot. Maling tao din naman kasi ang minahal niya. At patuloy na minamahal.

"Nakadikit na yata sa mga del Valle ang kamalasan nila pagdating sa pag-ibig." natatawang saad lang niya. Kahit papaano ay napangiti ako dahil doon. Totoo naman kasi.

Del Valle's was never been successful in love. They were all fell and got broken by the ones they love. Grandpa and Tita Meldy are the perfect example of that. They both fell in love with the person they can never have.

Mas masaklap lang yung kay Grandpa kasi nainlove siya kay Lola Mela na kahit kailan ay hindi niya makukuha ang puso nito. Lola Mela is a lesbian and Grandpa is madly in love with her but in the end, wala ding nangyari. Grandpa eventually ended up with my Grandpa Sara but she is long gone now. Inatake siya sa puso nang malaman na naaksidente si Tatay na pupuntahan sana si Nanay. Noon pa man ay ayaw na nito kay Nanay dahil sa pamangkin siya ni Lola Mela. But in the end, naipanganak pa rin ako at nabuhay sa mundong ito. Of course, with the Angheles and del Valle's blood.

Cupid's Game [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon