_JINNY_
Nakahiga ako ngayon sa sofa habang nakatutok ang mga mata sa flatscreen tv na nasa harapan. Nanunuod ng The Silence pero ang totoo ay lumilipad ang utak ko doon sa venue ng kasal nina Mari at Sherson. I can imagine the delicious foods, the noises of cheering and laughters of people there yet here I am, watching movie and eating cheese curls.
I am in the urge of breaking down because of disappointment and regrets but I am trying to calm myself. Kung bakit ba kasi sobrang kj ng matandang yun at naisipan pang ipa-hunting ako sa mga men in black niya sa mismong kasal ni Mari.
"Hindi na talaga ako magpapakita sa kaniya. Bahala siya sa buhay niya." Umupo na lamang ako at inabot ang nova sa mesa para lantakan yun.
Ako lang mag-isa ngayon dito sa apartment. Umalis din naman kasi kaagad si Vernon matapos akong ihatid kasi may pupuntahan daw siyang importante. Sus! If I know, isa na naman yun sa mga babae niya. Magka-AIDS sana ang tarantadong yun.
Hindi ko maiwasang mapasimangot ng muling maalala ang bouquet ni Mari. Hindi naman siguro totoo ang mga ganung kasabihan diba? Isa pa hindi ko naman yun sinalo, ibinigay lang yun sakin para gawing props kaya hindi yun counted.
Maya-maya ay nagring ang cellphone ko kaya napatingin ako doon. It's Sweet Berry so I already know who the caller is. Mas lalo lamang akong napasimangot bago yun sagutin. Kaagad namang bumungad ang nag-aalalang boses ni Charm.
[Hey, Jinny! What the hell was that earlier? The eff! Francis said he saw you running away with a man! Are you okay?]
Tch! Wala talagang preno ang bibig ng baklang yun. Masasapak ko talaga yun pag nagkita ulit kami.
"I'm okay, Charm." Sagot ko sa kanya at sumandal sa sofa.
[Are you, really? Goodness, Jinny! Hindi ka ba inatake ng ---]
"I didn't. I am fine, really." Pagsisigurado ko. Ilang minutong hindi siya nagsalita pero alam ko pa ding hindi pa niya ibinababa ang tawag dahil sa naririnig ko pa rin ang ingay sa background nito.
[Who's that guy?]
This time, mahinahon na ang boses niya. Ako naman ang panandaliang natigilan.
Sasabihin ko ba? Well, wala namang masama kung sasabihin ko di ba? All I have to do is ready myself for more questions that she'll throw at me.
Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago siya sagutin.
"His name is Vernon." Sagot ko.
[Vernon?]
[What?! Did I heard it right? You said Vernon?!]
Boses yun ni Mari na sinundan pa ng boses ni Eiko.
[Oh my God! Vernon? As in Vernon Samaniego?!]
Kaagad na nagsalubong ang kilay ko dahil sa mga naging reaksyon nila.
"Wait, kilala niyo siya?" Naguguluhang tanong ko. Paano nila nalaman ang buong pangalan ng unggoy na yun?
[He's our schoolmate when we were in college.]
Sagot sakin ni Eiko.
[Siya yung kinikwento ko sa inyo ni Charm noon na malanding lalaki! Yung tarantadong bastos na epal!]
BINABASA MO ANG
Cupid's Game [Completed]
RomanceLOVE STRINGS Series III She hates being with men, and He loves playing with women. They're a total stranger to each other until Cupid raise his bow to play with them. Now they are on a game. A game where they are free to kill each other. "I don't li...