_JADE NATHALIE_
"Mani. Sigurado akong mani 'yan." mahinang usal ko habang walang humpay na nakikikain sa bowl ni Mari pero ang mga mata ay nasa tiyan niyang wala pang impis.
"Ano'ng mani ang pinagsasabi mo diyan?!" salubong ang mga kilay na tanong sa akin ni Charm na nakaupo sa pang isahang sofa. Ako naman ay nasa tabi ni Mari. Malamang! May pagkain siya eh!
Ngumuso ako upang ituro ang tiyan ni Mari, kaagad na kumunot ang noo niya at napatingin na rin sa sariling tiyan. Maya-maya ay narinig ko ang pag-ismid ni Charm.
"Paano mo nasabi?" This time ay umayos na ako ng upo pero ang kamay ay nakikijoin sa kamay ni Mari na nasa bowl na hawak niya na may lamang sliced carrots at mayonnaise.
"Blooming eh. Ganon 'yon diba?" sagot ko at muling sumubo ng carrot. Hindi naman madamot si Mari sa paglilihi niya. 'Yon ang una kong napansin. Hindi katulad ni Charm noon na halos mamaga na ang kamay ko sa kakahampas niya sa tuwing manghihingi ako ng strawberry.
Napailing na lamang si Charm habang matamang nakatingin sa akin. Para bang may naglalaro sa isipan nito pero hindi ko naman alam kung ano 'yon.
Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagpapak ng carrots. Kung tutuusin ay mas marami pa nga ang nakain ko kaysa sa buntis.
"Napapasa ba ang paglilihi sa kaibigan?" maya-maya'ng komento ni Charm habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Sumimangot ako.
"Hindi ko alam. Sa pagkakaalam ko, sa asawa lang 'yon eh." sagot sa kaniya ni Mari at kumuha ng 'non. Halos pumalakpak pa ako nang igiya niya ang kamay niya sa akin para subuan ako. Ang lapad tuloy ng ngiti ko bago ngumanga at tinanggap 'yon. Pero kaagad din akong napasimangot ng bumanat si Charm.
"Baka sadyang patay-gutom lang talaga itong si Jinny." Sinamaan ko siya ng tingin. Tinaasan niya ako ng kilay at nginisihan kaya napairap ako.
"Ang sama mo sa'kin, Charm. Di na kita bati. Hmp!" Parang bata kong saad na ikinatawa niya. Lumipat siya sa tabi ko at nagsumiksik sa akin.
"Pero seryoso, Jinny. Ang takaw mo. Kahit pa noong---" hindi niya natuloy ang sasabihin niya at ngumiti na lang. Pero hindi nakaligtas sa akin ang pagdaan ng pamilyar na emosyon sa kaniyang mga mata. Panandalian itong kumislap pero kaagad ding nawala nang kumurap siya.
Tumawa lang siya at idinantay ang ulo sa balikat ko. Hindi ako nagreklamo kasi alam na alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip niya sa mga oras na ito. Ramdam ko rin ang mahinang pagnginig niya na tila may pinipigilan bago malalim na bumuntong hininga.
"Pero seryoso rin ako, mani talaga 'yan." Paglilihis ko sa usapan. Kahit papaano ay medyo bumalik na rin ang sigla niya dahil doon. Ang dami pa naming pinag-usapan hanggang sa umabot na sa akin ang topic.
"Hindi pa rin ba kayo nag-uusap?" may konting kudlit na dumaan sa dibdib ko dahil sa tanong ni Mari. Hindi kaagad ako nakasagot sa kaniya.
"Sinubukan mo bang tawagan or itext?" napakagat ako ng ibabang labi ko at mahinang tumango. Rinig ko ang mga ismid nila. Pero hindi na sila nagkomento pa.
"Mahal mo na?" Kaagad na umangat ang tingin ko kay Mari dahil sa tinanong niya. Ramdam ko rin ang unti-unting pamimigat ng dibdib ko sa tuwing naiisip ko si Vernon at ang huling pinag-awayan namin. Lumunok ako para kahit papaano ay maibsan ang pagkabara sa lalamunan ko.
"Hulog na hulog na yata ako. Posible ba 'yon?" garagal ang boses kong saad. Unti-unti na ring namamasa ang gilid ng mga mata ko at sigurado akong konting push na lang ay magbabagsakan na ang mga luha ko.
"Wala namang imposible kapag nagmahal ka eh. Kusa mo 'yang nararamdaman. Gustuhin mo man o hindi." sa sinabi niyang 'yon ay tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. Para akong bata na naligaw habang umiiyak sa harap nila ngayon.
BINABASA MO ANG
Cupid's Game [Completed]
RomanceLOVE STRINGS Series III She hates being with men, and He loves playing with women. They're a total stranger to each other until Cupid raise his bow to play with them. Now they are on a game. A game where they are free to kill each other. "I don't li...