_JADE NATHALIE_
"I'm sorry," kagat-labi kong saad ng hindi siya matingnan ng diretso. Nakayuko lang ako at nilalaro ang aking mga daliri. Ramdam na ramdam ko ang pagtagos ng tingin niya sa'kin.
Kung kanina ay ang tapang-tapang kong sumugod ngayon naman ay halos magpalamon na ako sa lupa dahil sa kahihiyan at sobrang guilt.
Hindi ko naman in-expect na seseryosohin niya ang sinabi ko. It was just a nonsense joke made by my jealous self but he took it seriously!
Parang gusto ko tuloy bawiin ang sinabi kong biro lang 'yon. Pero kasi, hindi naman talaga ako buntis!
Tahimik pa rin siya pero ramdam ko ang mabibigat na tingin na iginagawad niya sa'kin. Feeling ko anytime soon ay mag-eevaporate na ako sa kinatatayuan ko.
"Its okay. Let's just buy what you are looking for." Doon na ako napaangat ng tingin sa kaniya pero ang papalayong likod na lamang niya ang naabutan ko.
Bumagsak ang aking balikat at wala sa sariling napatingin sa aking tiyan. Then I remember his gentle touch on it awhile ago as I see spark on his eyes.
Napalunok ako nang maramdaman ang pagtuyo ng aking lalamunan bago napagdesisyonang sundan siya.
Hindi ko maiwasan ang pasimpleng lingunin siya habang naglalakad kami. Hindi na kasi siya sumasabay sa akin at nakasunod lang sa likuran ko gaya ng kanina.
Gusto ko tuloy kutusan ang sarili ko.
Puteks 'to! Maypa-two meters apart pa akong nalalaman kanina pero hindi ko naman mapanindigan!
Tumigil ako sa paglalakad para sana hintayin siya pero halos humaba ang nguso ko nang huminto rin siya, mini-maintain ang agwat naming dalawa.
Sa sobrang inis ay napapadyak na lang ako at tumakbo. Narinig ko ang pagmura niya at pagtawag sa akin pero hindi ko siya nilingon.
Napasinghap ako nang may biglang humila sa kamay ko dahilan na mapatigil ako. Kahit hindi ako lumingon ay alam kong siya 'yon.
"Damn it, Jade Nathalie. Bakit ka tumakbo?!" galit niyang tanong pero humalukipkip lang ako.
Magkasalubong na ngayon ang dalawang kilay niya at halos nagiging itim na nga yata ang kulay ng kaniyang mga mata, tanda na napipikon na ito sa akin.
"Eh anong gusto mong gawin ko? Gumapang?!"
"This is not a fvcking field for you to run like that!" singhal niya pero iningusan ko lang siya at pinalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Kaagad na bumaba ang tingin niya sa kaniyang kamay, na para bang naging bakante na ito dahil sa hindi na niya ako hawak.
Kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga at paggalaw ng adams apple niya pero hindi rin nagsalita.
Marahas na lamang akong bumuntong hininga at tumalikod. Walang tingin-tingin kong pinalandas ang kamay ko sa kaniyang braso pababa para pagsiklupin ang aming kamay.
I felt him froze, and I blushed. Pero pinili kong huwag ipahalata 'yon.
"I should buy some chains." I uttered and continue to walk. Hindi naman siya nagmatigas at nagpahila sa'kin.
Ramdam ko ang malakas na pagbayo ng puso habang magkahugpong ang aming mga kamay. Mas lumalala pa 'yon ng humigpit ang hawak niya na halos ikasira na ng ribcage ko.
"For what?" he asked kaya hindi ko maiwasang mapakagat ng ibabang labi para pigilang ngumiti.
Parang kanina lang ay galit na galit, ngayon naman ay sobrang amo na.
Tsk, ang bilis bumigay. Parang ako.
Marahas akong bumuntong hininga.
"Are you planning on chaining me, honey?" kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nilingon ko siya at sumalubong kaagad sa'kin ang pilyong ngiti niya.
BINABASA MO ANG
Cupid's Game [Completed]
RomanceLOVE STRINGS Series III She hates being with men, and He loves playing with women. They're a total stranger to each other until Cupid raise his bow to play with them. Now they are on a game. A game where they are free to kill each other. "I don't li...