_JADE NATHALIE_
Hindi ko na alam kung humihinga pa ba ako sa mga oras na ito. Basta ang alam ko lang ay nilulunod niya ako sa mga titig niya.
"S-sorry..." naningkit ang nga mata niya at mas lalong dumilim ang titig sa akin.
"Sorry? Ano pang magagawa ng sorry mo? For pete's sake Jinny! Limang buwan kang nawala! No text, no fvcking calls?! Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko?!" napatanga ako sa sunud-sunod na tinuran niya. Konti na lang talaga at sasabog na ang dibdib ko dahil sa lalaking 'to. Wala sa sariling napangiti ako, mas lalong naningkit ang mga mata niya.
"You waited for my texts and calls." it was not a question but a statement. Mas lalo akong napangiti nang hindi siya sumagot at umiwas lang tingin. Lumayo siya ng konti kaya medyo nakahinga ako ng maayos.
"N-no fvcking way! Why would I wait for your texts and calls? I'm just worried because you just disappeared without even saying anything. Paano na lang kung nakidnap ka na pala? O kung ano pang masamang nangyari sayo? Sinong masisisi, edi ako! Ako lang naman ang huli mong nakasama!" mahabang paliwanag niya pero hindi makatingin sa akin. Napakagat na lamang ako ng ibabang labi para pigilan ang pagsupil ng malaking ngiti.
He waited for my texts and calls and he's worried to me!
"Alam mo ba..." pambibitin ko sa aking sasabihin, kunot noo niya akong nilingon na para bang galit pa rin siya sakin.
I tug the side of his polo like a shy kid.
"What?!" he raised his voice that made me chuckle. I lean closer to his ears to whisper.
"I miss you." parang teenager na saad ko at umayos ng tayo para makita ang kaniyang reaksyon. Mas lalo akong napangiti nang makita ang pagtulala niya at pamumula ng kaniyang tenga. Nang matauhan ay para siyang tangang napahilamos ng kamay sa mukha.
"Fvck! S-stop saying nonsense!" he pointed at me that made me giggle. Damn, I don't want him to see this childish side of mine but I can't help it. He's funny and so cute!
"What? Hindi mo ba ako namiss? Araw-araw ka kayang nasa isip ko. Baka kasi nagka-Jinny Syndrome ka na dahil sa hindi mo na ako nakita." I kid but well, half of it is true. Hindi naman kasi siya nawala sa isip ko.
"Jinny Syndrome? What the hell is that?" Muli akong natawa dahil sa halos hindi na maipinta ang mukha niya.
"Jinny Syndrome!" I said as I pointed myself and smile sweetly at him that made him stopped.
"Its not a contagious sickness but it can make you crazy by over thinking about me." I explained and wink at him. Mas lalong nalukot ang mukha niya pero hindi nakaligtas sa akin ang muling pamumula na kaniyang tenga. Hindi ko na napigilan ang sarili kong hampasin siya.
"Fvck!" he cuss in pain and throw daggers at me but I didn't bulge.
"Who the hell are you?! You're not Jinny! Jinny will never dare to do that stuffs!" parang tangang bulalas niya. Tinaasan ko siya ng kilay at nakakaloko siyang tinignan.
"Why? Hindi ka sanay? Gusto mo yung parati kang sinisinghalan at tinatarayan? Minumura at sinisigawan? Game!" Pang-aalaska ko na mas lalong ikinasama ng tingin niya sakin. I sighed but my smile remained on my lips.
"I told you, you're one of my exceptions." I told him that made him blink. His face relax that made me smile even more while still looking directly at his grey eyes. Lumamlam ang kaniyang mga mata at bumagsak ang mga balikat kaya nagtaka ako.
"No." Malamig na saad niya na nagpabura ng ngiti ko. Muli siyang naglakad palapit sa akin kaya napaatras ako hanggang sa muling tumama ang likod ko sa matigas na pinto. Ang kaninang kalmado kong sistema ay muli na namang nagulo.
BINABASA MO ANG
Cupid's Game [Completed]
RomanceLOVE STRINGS Series III She hates being with men, and He loves playing with women. They're a total stranger to each other until Cupid raise his bow to play with them. Now they are on a game. A game where they are free to kill each other. "I don't li...