[A/N: I'm being lazy these passed few days. Haha. Buti na lang at napilit ko ang sariling magtype ngayon. Tapos na sana ito kung hindi lang ako tinamad (bad me). Anyways, sana magustuhan niyo. Don't forget to vote and comment my dear roses. Paramdam naman kayo para mas ganahan ako🤭🤭. This chapter is dedicated to Amazing_AC. Hi! Thankyou for the vote😊 (Sini-screenshot ko po ang mga nagvovote ng CG para madedicate ko sa inyo ang mga chapters. So yeah, kahit sa ganoong simpleng gestures man lang ay mapasalamatan ko kayo sa pagbabasa at pagvovote ng story ko 😊😊)
_JADE NATHALIE_
"So," panimula ni Cobbie habang hindi inaalis ang tingin kay Vernon. Nasa loob kami ngayon ng isang restaurant. Matapos kasi ng eksena kanina ay pinakilala ko sila sa isa't isa.
Vernon still has his stoic emotion in his face while my cousin has this taunting look in his eyes. Hindi ko maiwasang mapairap sa inaasta nilang dalawa.
"Sigurado ka na ba sa isang 'to Jinny? Wala ng urungan? Baka mas malala pa 'to kaysa sa una ha." panunuyang pagpapatuloy ni Cobbie kaya pinanlakihan ko siya ng mata. Nakita ko ang pagsalubong ng kilay ni Vernon dahil sa sinabi ng magaling kong pinsan kaya pasimple kong sinipa ang paa Cobbie sa ilalim ng mesa.
Imbes na masaktan ay ngumisi lang ang loko at tinaasan ng kilay si Vernon. Nang-iinis ang gago.
"Pwede ba, huwag mong ibahin ang usapan. Bakit ka ba nandito? Sino ang kasama ni Lola Mela sa Narwaga? Alam ba 'to nina Tita Nikki na naggagagala ka na naman dito?" sunud-sunod kong tanong sa kanya na ikinanguso niya. Sumandal siya sa likod ng silyang inuupuan niya bago ako sinagot.
"Ang dami mo namang tanong. Ni hindi mo man lang siningit ikamusta ang pinakagwapo mong pinsan." paghihimutok niya na sabay naming ikinaismid ni Vernon. Kaagad niyang sinamaan ng tingin si Vernon. Oo, si Vernon lang. Parang may galit yata ito sa boyfriend ko eh. Oh well, hindi ko naman siya masisisi. Nadala na siya sa unang tumarantado sakin. He's just being protective.
Marami pang dinadada si Cobbie hanggang sa dumating na ang inorder namin. Dessert lang 'yong samin ni Vernon dahil sa nakakain na kami kanina, heavy meal naman ang kay Cobbie dahil sa hindi pa raw ito nakatikim ng agahan simula pa kanina.
Pinatawag pala siya ni Grandpa kaya siya nandito. Ang rason, hindi ko alam. Sekretong malupitan daw nila yun ni Grandpa kaya hindi niya sasabihin sa akin. Hindi niya rin ako tinigilan sa kakatanong kung sigurado na daw ba ako sa desisyon ko sa buhay tungkol kay Vernon. Hindi pa siya nakuntento dun at pinagduldulan pa ang nakaraan ko. And I know that he's doing it to pissed Vernon off. Hindi naman ito nabigo dahil galit na galit na nga ngayon si Vernon. Ni hindi na nga ako pinapansin.
Mahigpit rin ang pagkakahawak nito sa manibela na kulang nalang ay mapudpud na yun sa mga palad niya.
"Galit ka na naman?" Pambabasag ko sa katahimikan habang nagbabyahe kami. Nakita ko ang pagtagis ng bagang niya kaya napasimangot ako.
"Sinong hindi magagalit sa mga pinagsasabi ng pinsan mong yun?!" mas lalong humaba ang nguso ko sa sagot niya. Halatang gigil na gigil siya sa inis.
"And fvck! Parang pinapamukha niya sakin na mas patay na patay ka sa ex mo kaysa sakin! Damn it!" hindi ko mapigilang kilabutan sa sinabi niya. Nahintatakutan ko siyang nilingon.
"Anong patay na patay?! Maghunus-dili ka nga sa pinagsasabi mo!" suway ko sa kaniya.
"And look! You're not even denying that you had an ex before me! I fvcking even thought that I was your fvcking first! That I was the one who made you straight!"
BINABASA MO ANG
Cupid's Game [Completed]
RomanceLOVE STRINGS Series III She hates being with men, and He loves playing with women. They're a total stranger to each other until Cupid raise his bow to play with them. Now they are on a game. A game where they are free to kill each other. "I don't li...