ROUND#26

160 20 0
                                    

[A/N: Antagal ko ring hindi nakapag-update. Huhu. Pasensiya na po. Anyways, this chapter is dedicated to Sunxenrae. Hi Sunny! Enjoy reading! Mwaps!]

_JADE NATHALIE_

"Hon, are you listening?"

"Huh?" napakagat na lamang ako ng ibabang labi nang makita ang paglingon sa akin ni Vernon.

"I said, where do you want to spend your birthday?" muling tanong niya at ipinagpatuloy ang pagluluto. Hindi ako nakasagot kaagad at napabuntong hininga na lamang.

Birthday. Poteks na birthday yan. Parang ayaw ko na yatang dumating ang araw ng birthday ko.

"Sina Grandpa na ang nag-aayos 'non. Isa pa, isasabay na rin kasi ang pagpapakilala nila sa'kin sa lahat." Walang buhay na sagot ko at humilata sa couch. Nakataas ang dalawang paa ko na nakapatong sa sandalan 'non at tulalang tumingin sa kisame.

"Aren't you excited?" muling tanong niya matapos ang mahabang katahimikan. Bumangon na ako nang marinig ang yapak niya papalapit sa'kin. Dumiretso kaagad ang mga mata ko sa bowl na hawak niya na may lamang vegetable salad. Hindi ko maiwasang matakam doon.

Umupo siya sa tabi ko at inabot sa akin 'yon. Kaagad ko 'yong tinanggap at sumandal sa kaniya. Mabilis na pumulupot ang braso niya sa bewang ko at hinagkan ang ulo ko. Umaandar na naman ang kalandian niya pero hinayaan ko na lang.

Sarap na sarap ako sa pagkain ng vegetable salad, lalo na ng cabbage. Ramdam ko ang paninitig niya sa akin kaya pansamantala ko siyang tinapunan ng tingin.

"Bakit?" kunot noo kong tanong pero inilingan lang niya ako at pinahiran ang gilid ng labi ko gamit ang daliri niya. Hindi na ako nagulat pang dalhin niya 'yon sa binig niya at sinubo na tila nang-aakit pa. Inirapan ko siya.

"Hmm, sarap!" hindi ko mapigilang mamula. Puteks na lalaking 'to!

"Malamang! Mayonnaise 'yon eh!" pagtataray ko pero nginisihan lang niya ako.

"I know. Pero naging mas masarap kasi galing sa labi mo." Kulang na lang ay sumabog na ang pagmumukha ko dahil sa sobrang init.

"Huwag mo akong landiin ngayon, Vernon. Hindi gagana sa'kin yan." Pero imbes na tumigil ay nginisihan lang ako nito at may pakagat labi pang nalalaman kaya halos malukot ang pagmumukha ko.

"Hindi ka ba talaga titigil?" angil ko sa kaniya pero ang malandot! Tinawanan lang ako! Hinayupak talaga!

Sa sobrang inis ko ay padabog akong tumayo.

"Uuwi na 'ko." pagdadabog ko at akamang maglalakad na nang hulihin niya ang bewang ko. Muntik pa akong mapasigaw ng mapaupo ako sa mismong kandungan niya. Pinulupot niya ang kanyang mga braso sa bewang ko at sumubsob sa aking leeg.

"Titigil na. Huwag ka lang umalis." Parang batang turan niya na ikinairap ko.

"Umayos ka kasi! Puro ka landi!" Singhal ko sa kaniya. Inayos niya ang pagkakaupo ko sa kandungan niya at as lalo akong niyakap palapit sa kaniya.

"Ikaw lang naman nilalandi ko eh." sagot niya sa'kin na may kasama pang pagdila sa leeg ko na ikinataas ng balahibo ko. Muntik ko pang malunok ang hindi pa nanguyang carrots. Sa inis ko ay gumalaw ako sa itaas niya pero wrong move dahil sa kaagad itong dumaing na sinundan ng pagbukol ng inuupuan ko. Anak ng! Mas lalo siyang sumubsob sa leeg ko.

"Damn, Jade Nathalie." tila may iniinda niyang bigkas sa pangalan ko.

"S-sorry. Ikaw kasi eh!" nahihiyang turan ko at aalis na sana sa lap niya pero hindi niya ako hinayaan. Malalim siyang humugot ng hininga na muntik ko ng ikinaungol dahil sa pagtama nito sa leeg ko.

Cupid's Game [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon