FINALE
It feels like a de ja vu.
Realizing that I am in a familiar place, sitting in a corner inside the café while humming Taylor Swift's Love Story as I continue on sketching my dream house that I wanted to have in the future.
Pero kahit anong gawin ko ay hindi ako makuntento dito. Ilang ulit na rin akong nagbura, parang may kulang na hindi ko matantiya.
Sa huli ay ibinaba ko na lamang ang sketchpad ko sa ibabaw ng lamesa at ininom ang inorder kong ice tea. Pasulyap-sulyap ako sa wristwatch na suot, hindi ko mapigilang mapasimangot nang makita kung anong oras na.
Late na siya sa usapan namin.
Marahas akong bumuntong hininga bago napagdesisyunang tawagan siya. Mas lalo humaba ang aking nguso nang hindi niya ito sinasagot. Sa huli, ako rin ang sumuko.
Napaayos ako ng upo nang marinig ang pagbukas ng pinto ng café na sinundan ng pagtunog ng wind chime na nakasabit sa itaas 'non. Kulang na lang ay humaba ang leeg ko kakasipat kung sino ang pumasok para lamang ma-disappoint.
Bumagsak ang balikat ko nang hindi ko nakita ang inaasahan kong tao na pumasok, kundi ay mga kalalakihan na halos magtulakan na at malakas na nagtatawanan na tila hindi alintana ang ibang mga customers dito sa loob ng café.
Napairap na lamang ako at inabala ang sariling paglaruan ang straw ng ice tea.
"Bakit ba kasi gustong-gusto mo na mapalapit sa kaniya? Halata namang ayaw niya sayo kaya lumalayo." Hindi ako chismosa pero hindi ko talaga maiwasang making sa pinag-uusapan nila. Knowing na ang lalakas ng mga boses nila at talagang sa mismong likuran ko pa sila nagsi-upo.
Pakiramdam ko tuloy ay yumayanig na ang paligid ko dahil sa napaka-reckless ng mga galaw ng mga kulugo. Ni ang maghila ng upuan ay hindi man lang nagdahan-dahan. May isa pa ngang tarantado na walang ingat na naghila ng upuan at natamaan pa ang inuupuan ko pero ni ang magsorry ay wala akong narinig.
Nagngitngit ang kalooban ko pero mas pinili ko na lamang na kumalma. Ako na lang ang nag-adjust na hinila ang sariling upuan para mapalayo dito. Baka kasi sa susunod na paggalaw nito ay ulo ko na ang matamaan.
"No, she's just playing hard to get, Peter. Kilala ko ang mga babaeng katulad niya. She like being chase." Hindi ko napigilang mapaismid sa sinabi nito.
Masyadong antipatiko at bilib sa sarili ang bruho. Halatang babaero.
Makarma sana ang lalaking ito.
"Maybe she doesn't really like you, Vern. Why don't you stick with Lessy instead?"
"Nah, Lessy and I are just friends." I scoffed. Napiling na lang at kinagat-kagat ang straw para mapigilan ang sariling sumabat. Ni hindi ko naman kasi kilala ang mga ito, baka mapahiya lang ako.
Muli ko na lamang tinawagan si Mari. Bakit ba kasi ang tagal niya? Kanina pa naman ang dismissal nila ah.
"Friends? You know for the fact that friends aren't supposed to fvck each other right?"
"Ew," huli na nang marealize kong nasabi ko 'yon ng malakas. Binundol ng kaba ang dibdib ko nang biglang tumahimik ang mga lalaki sa likuran ko. Ramdam ko rin ang mabibigat na mga tingin ng mga ito sa akin.
Parang gusto ko tuloy magpalamon na lang sa lupa o di kaya ay maging hangin na lang sa paningin nila. Sh*t! mas lalo akong nagpanic nang marinig ang pag-ingay ng silya na nasa bandang likuran ko. And I'm pretty sure na lumingon ang lalaki sa akin.
BINABASA MO ANG
Cupid's Game [Completed]
RomanceLOVE STRINGS Series III She hates being with men, and He loves playing with women. They're a total stranger to each other until Cupid raise his bow to play with them. Now they are on a game. A game where they are free to kill each other. "I don't li...