ROUND#11

289 56 1
                                    

_JINNY_

"Come on, Jinny. Tell me, what did I do wrong?" parang timang na tanong sa akin ni Vernon na nakaupo ngayon sa harapan ko. Hindi ko siya pinansin at palihim na kinakagat ang straw ng lemonade na iniinom ko habang nakatanaw sa mga taong nagjejetski. Pareho kaming nakaupo sa kaniya-kaniya naming outer banks chair.

Ayoko siyang kausapin. Nababanas pa rin ako sa bumungad sa akin kanina. Nawala na rin ang excitement sa katawan ko at inis na lang ang natira.

Heto namang si Vernon, parang timang. Papansin ng papansin.

"Ano ba, bakit nag-iinarte ka? Para kang babae." Mukhang naubos na ang pasensiya nito sa akin, inismiran ko lang siya. Babae naman talaga ako at may karapatan akong mag-inarte!

Marahas na lamang siyang bumuntong hininga at tumayo kaya pasimple ko siyang sinulyapan. Madilim pa rin ang mukha nito at halatang galit. Tsk.

"Fine! Bahala ka sa buhay mo! Iiwan kita dito!" Pananakot pa niya at tinalikuran ako. Inirapan ko lang siya at muling tinanaw ang mga nagjejetski. Sinong tinakot niya? Hindi porke't siya ang kasama kong pumunta dito ay hindi ko na alam ang umuwi mag-isa. Duh! Wala lang akong pera pero may load ako! Isang tawag ko lang, may susundo kaagad sa akin.

Muli ko na lamang pinagdiskitahan ang straw na kinakagat ko nang may humarang sa paningin ko. Nang inangat ko ang tingin ko ay tumaas ang kilay ko nang makasalubong ang gwapo nitong pagmumukha sa kabila ng pagkakairita nito.

"Why the hell are you looking with those fvcking men, huh?!" Parang mangangaing bintang niya. Pasimple ko namang sinilip ang sinasabi niyang mga lalaki daw.

"Jinny!" Matigas na bigkas niya sa pangalan ko kaya napaayos ako ng upo at muling ibinalik ang tingin sa kaniya. This time, nagbabaga na ang mga mata niya, wala sa sarili akong napalunok.

Nagulat nang walang seremonya niya akong binuhat, nabitawan ko tuloy ang baso ng lemonade. Sh*t! Sayang yun! Hindi pa ako nangangalahating inumin yun eh! Kaagad na umikot ang mga braso ko sa leeg niya sa takot na baka bigla na lang niya akong bitawan.

"A-ano ba! Ibaba mo nga ako?!" nagpapanic kong sigaw at hinampas gamit ang isa kong kamay ang dibdib niya, pero palad ko lang ang sumakit dahil sa tigas nun. Dyahe!

Umismid siya habang nakatingin pa rin sakin.

"Now you're talking." Malamang magsasalita ako, buhay ko ang nakasalalay dito! Mas lalo akong nagpanic nang magsimula na siyang maglakad. Puteks! Anong pinaplano ng tarantadong 'to!

"Ibababa mo ako o sasakalin kita?! Mamili ka!"

"Sasagutin mo ako o hahalikan kita? Mamili ka." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Tangna, Jinny! Sagot!

"Oh, good choice honey." Nakangising saad niya na mas lalong ikinalaki ng mga mata ko. Bago pa man niya mailapit ang mukha niya sakin ay mabilis kong tinakpan ng dalawang palad ko ang aking bibig. Pero wrong move kasi mas lalo lamang lumaki ang ngisi niya kasunod ng pagbitaw niya sa akin, kaagad akong lumubog sa tubig kasunod ang malakas niyang pagtawa.

Walanghiyang nilalang talaga siya!

Mabilis akong umahon at pinahiran ang mukha ko at sinamaan siya ng tingin. Puteks! Ampait ng tubig! Napatigil naman siya sa pagtawa at umawang lang ang labi na nakatingin sa akin.

Basang-basa na ako samantalang siya naman ay hindi umabot ang basa sa bewang. Palibhasa, mataas ang tarantado.

Bumaba ang tingin niya sa katawan ko kasunod ang pagdilim ng mukha nito.

"Why the fvck are you wearing that?!" galit na sigaw niya at mabilis na hinubad ang suot na polo at pinatong yun sa balikat ko para siguro takpan ang katawan ko. Parang tanga lang. Basang-basa na ang damit na suot ko tapos papatungan pa niya ng polo niya? Malamang, mababasa din yun.

Cupid's Game [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon