ROUND#9

208 55 1
                                    

_JINNY_

"Steak or me?"

"Knife or fork? Mamili ka. Anong gusto mong itarak ko sayo?" Pambabara ko kay Vernon na sa ngayon ay humihiwa ng steak. Tinawanan lang niya ako bago ipinagpalit ang plato namin. Dahil gutom na ako ay hindi na ako nagreklamo. Diretso kain na ako. Aangal pa ba ako kung libre na ito?

Matapos ang walang katapusang kamanyakan niya kanina sa loob ng kotse ay huminto kami sa isang restaurant. Halatang pangmayaman ito dahil sa halos lahat ng customers ay nakaformal attire. Nahiya pa ako nung una at hindi sana papasok pero kinaladkad ako ng tarantado. Mabuti na lang ay umupo kami sa medyo hindi ganun kadaming tao.

"Here's your wine and water ma'am and sir." Nakangiting saad ng waiter na kakarating lang. Binuhusan niya ng wine ang baso ni Vernon pagkatapos ay nilingon ako. Pasimple akong umusog nang ipinatong nito ang baso na naglalamang tubig malapit sa akin. Humigpit ang hawak ko sa tinidor at kutsilyo at halos pigilan ko na ang paghinga nang maramdaman ang pagyuko niya.

Pakiramdam ko ay sobrang liit at kitid ng space na mayroon kami ngayon kahit na kabaliktaran naman. Mariin ko na lamang ipinikit ang mga mata ko para kalmahin ang sarili ko.

It's okay, Jinny. The waiter is harmless. He's harmless. Just calm down.

Paulit-ulit kong bulong sa aking isipan pero nagulat ako ng maramdaman ang pagdikit ng kamay nito sa daliri ko. Napasinghap ako at wala sa sariling naitaas ang kamay ko na may hawak pang kutsilyo kasunod nun ang paggapang ng kuryente mula sa daliri kong nadikitan ng kamay niya.

Kaagad kong naramdaman ang libo-libong sakit sa buo kong katawan na para akong tinutusok ng karayom kaya muli akong umusog sa takot at taranta para mapalayo dito dahilan na matumba ang upuang inuupuan ko at mahulog ako. Aksidente ko pang nahila ang sapin ng mesa kaya naglaglagan ang lahat ng nakapatong doon na naglikha ng malakas na ingay.

"Sh*t! Jinny! Are you okay?"

"Ma'am, okay lang po kayo?"

Tila nag-eecho lang sa pandinig ko ang boses nila. Ramdam ko din ang mga matang nakatingin sa akin ngayon.

Mga matang nanghuhusga.

"Sobrang pathetic niya."

"Nakakadiri siya."

"Mukha lang siyang anghel pero ang tindi ng bahong tinatago!"

Sunud-sunod na naririnig ko kaya mariin kong tinakpan ang magkabilang tenga ko para hindi yun marinig pero wala ding epekto. Naririnig ko pa rin sila dahil ang lahat ng iyon ay nasa isip ko.

"What's wrong, Jinny? Come on, look at me."

"Tulungan ko na po kayong tumayo ma'am."

Dalawang boses ng lalaki ang naririnig ko na malapit sa akin.

Lalaki.

Mas lalo kong naramdaman ang paggapang ng kuryente at sakit sa buo kong katawan. Lalo na ng maramdaman ang muli pagdikit ng balat nito sa akin na ikinapiksi ko dahil sa para akong sinisilaban ng apoy.

Napahikbi na lamang ako dahil sa sakit.

Ayoko sa mga hawak nila. Ayoko nito. Ayoko dito. Gusto kong tumakbo. Gusto kong magtago.

Cupid's Game [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon