chapter 2

21 5 0
                                    

Sunny's POV

Pagkatapos nang nangyare sa cafeteria, we decided to go back to our classroom. Nakakabadtrip kasi iyong nangyare. Muntik na akong mabasa dahil don sa Matt na iyon.

Wala pang tao sa loob kasi nagb-break pa sila. Nasira lang yon dahil sa TY na iyon. Naupo na kami sa upuan namin.

"Naiinis ako! Gusto kong gumanti!" sabi ni Yuri.

"Pero diba—"sabi ni Althea.

"Kailangan natin ipaglaban yong sarili natin, duh!" sabi ni Yuri. "Look, mukhang hindi lang iyon yong kaya nilang gawin."

Nagkatinginan kaming tatlo, tama siya. Sa kwento sa kanila nong SSG president, may kaya pa silang gawin. Halatang mga sira-ulo, e. Lalo na iyong Moon na iyon, halatang babaero!

We decided to bring back the old us. We're not just a girl! We are more than that. I swear, matatakot kang kami ang makakaharap mo.

Bumalik na ang lahat sa klase. Pati ang prof sa new subject namin. Gaya nang nangyare sa mga naunang klase, nag-introduce siya at pina-introduce niya rin kami with a twist na ipapakita namin yong gamit namin sa bag. Halos lahat ng girls, nagpakita ng make up kit nila sa bag. Sa boys naman may nagpakita ng condom. Nakakatawa.

Pagkatapos ng school hours, uwian na naman. Nagkahiwalay na kami kasi may kanya-kanya kaming sasakyan. Sumakay na ako sa sasakyan ko tsaka pinainit iyong makina. Aalis na sana ako nang biglang nag-beep iyong phone ko. May lumabas na notification sa bar. Binuksan ko iyon.

/Moon Kenneth Castillo added you as a friend/

Napairap ako sa hangin. Sa tingin nya iaaccept ko iyon? No way! Over my dead body! Dinelete ko na lang. Pake alam ko sa kanya. Naiinis na naman tuloy ako.

Nagdrive na ako pauwi ng bahay. Ipapahinga ko na lang ito, wala namang homework, e.

Nakarating na ako sa bahay. Pinagbuksan ako ng gate ng guard at pumasok na ako sa loob. Pinarada ko lang sa garage yong sasakyan ko tsaka ako pumasok sa loob. Wala iyong parent ko, nasa work. Laging busy pero sanay naman na ako. Wala ng drama. Mapapagod lang ako.

Umakyat na ako sa kwarto ko. Humiga ako sa kama ko at napatingin sa kisame.

What the hell are you doing Moon?! Anong gusto mo ha? Pagt-tripan mo ba ako? Sige lang kasi di ka matutuwa sa kalalabasan.

Napasigaw ako kasi muling nagbeep iyong phone ko. Ito na naman siya. Kinuha ko iyon at tinignan.

Oh, si Yuri. Napangiti ako.

Text message

From: Yuri

Meeting gals! Cashica bar. ASAP!

Namiss ko iyong bar na iyon. Nong summer kasi wala ako di to sa Pilipinas. Nagbakasyon ako sa Africa. Sobrang enjoy don kasi tinulungan namin ng team ko iyong mga nangangailangan don. Worth it yong pagpunta don kasi tuwang-tuwa samin yong mga bata na natulungan namin. Nagbigay kami ng mga goods, clothes etc. Nakakatuwa kasi ang ganda ng memories non. Meron din di magandang nangyare pero kalimutan na natin yon.

Narating ko iyong bar at nakita ko agad sila. Bumeso ako sa kanila.

"Hey! You're late!" sigaw ni Yuri kasi di kami magkarinigan dito sa loob ng bar. Malakas kasi iyong tugtog at paikot-ikot iyong ilaw na may iba't ibang kulay ng ilaw. Nakakamiss sumayaw!

"Anong late ka jan!?" Nagtawanan kami.

"Here!" inabot sakin ni Althea iyong baso ng Margareta. Inabot ko naman. "Cheers!"

When We Met The Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon