chapter 9

9 3 0
                                    

Althea's POV

Bumaba na kami sa building namin. Halos wala ng tao sa baba o sa loob ng campus pagkababa namin. Malaki pa rin ang ngiti namin. Pagkarating namin sa sasakyan, hinanap ko iyong susi. Wala akong makapa sa bag ko.

"Aish! Napasama run sa susi na ibinigay ni Yuri sa dalawa!" bulong ko sa sarili ko. Hindi narinig ni Yuri kasi busy siya sa phone niya. "Yuri, kailangan kong bumalik sa taas. Napasama iyong susi run."

Hindi siya sumagot sa sinabi ko. May kausap na kasi bigla sa phone niya. Napairap ako at mabilis na umalis don. Patakbo akong umakyat sa hagdanan. Pagkarating ko sa tapat namin maririnig ko silang nagsisigawan.

"Kailangan na natin sirain itong pants!" sigaw ni Bock.

"Hindi pwede! Uuwi tayo ng sira itong pants natin? Abutin mo na lang iyong susi e mas malapit sayo!" sigaw pabalik ni Matt.

"Malayo pa rin kahit gamitan ko ng paa!"

"Kakalbohin ko talaga iyong dalawa, e!" galit na sigaw ni Matt. "Nakakaasar! Totoo ba iyong Annabelle?! Pre, takot ako sa multo alam mo yan!"

Natawa ako sa sinabi niya. Grabe! Bakla pala siya, e! May bigla tuloy akong naisip. Yumuko ako para hindi nila ako makita.

"Awwoooo~" pananakot ko.

"Taena! Ano yon!?" sigaw ni Matt.

"Sirain mo na!!!" si Bock.

"Hindi ko masira!!!" si Matt. Halata sa boses iyong takot niya.

Takip ko iyong bibig ko para hindi nila marinig iyong tawa ko. Grabe! Kalalaking tao maarte!

Biglang nagring iyong phone ko at sakto kasi evil laugh iyon. At nakita ko sila na nagtanggal agad ng sapatos at binuhat iyong upuan nila at patakbong lumalabas ng room.

"Tangina! Dalian mo!" Nagtulakan pa sila sa loob at mas natawa ako nang matumba si Matt. Omg!

"Ang sakit! Itayo mo ko!"

Napahawak ako sa tiyan ko sa kakatawa. Tinignan ko iyong phone ko habang tumatawa. Nagring ulit ito kaya napalingon ako sa dalawa. Nasa sahig si Matt at biglang napaupo si Bock sabay takip ng taenga.

Nagtext lang naman si Yuri at tinanong kung nasaan ako. Tumayo na ako at pumasok sa loob. Nanginginig sila at napansin ko si Bock.

"Hoy! Alisin mo na kami rito! Hindi makahinga nang maayos si Bock!" sigaw ni Matt.

Napansin ko na naghahabol si Bock ng hininga niya. Sht! Nataranta ako at nasipa ko pa si Matt dahil don. Pinulot ko iyong susi at nagmamadaling isaksak sa pad lock pero nahihirapan ako dahil sa taranta.

"Anong gagawin ko?! May inhaler ba?" umiling siya. Sht.

Sinubukan ko ulit tanggalin iyong yong padlock sa kaliwa niya. Natanggal naman. Kaya sa kanan naman ako. Hindi ko mabuksan at napatingin ako sa kanya. Maputla na sya at talagang hirap makahinga. Magkatapat iyong mukha namin. Nakatingin siya sa mga mata ko at nagbaba ako ng tingin sakin labi niya.

Tama ba ang nasa isip ko? Maililigtas ba siya nito? Wala naman kaming magamit. Nakita ko ang pagpikit niya kaya napapikit na rin ako. Huminga ako nang malalim at nagulat naman ako kasi may tumulak sa batok ko para mahalikan ko siya.

Na-na-nahalikan ko siya. My first kiss!

Binigyan ko siya ng hangin na inipon ko kanina. Kumalas din agad ako sabay ng pagkalas ng padlock sa kanya. Nakatingin pa rin ako sa mga mata niya at habol pa rin niya iyong hangin. Medyo okay na siya.

"Tulungan nyo ko!" bumalik ako sa tino ko  nang sumigaw si Matt. Lumapit ako sa tinanggal ang padlock sa kanya.

Nakakainis! Natanggal na iyong kay Matt at pwede na akong bumaba. Nakuha ko na iyong susi. Sht!

When We Met The Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon