Sana wag kayo malito. HAHAHAHAHA
There will be a grammatical and typographical errors.Yuri's POV
Super saya ko ngayon kasi akalain mo maaga ako nagising. Umaayon ang lahat sa pagbabago na gusto ko ah! Mukhang mangyayare ang gusto ko.
June na pala. This time I have changed everything. Gaya ng pagtataray, pakikipag-away at pambabastos at iba pa na kalokohan. Nakakaawa na rin sa mga magulang namin na hinahanapan kami ng university na papasukan. Para din naman saakin kasi malapit na ako gagraduate. Hindi lang ako ang nagbago, pati ang dalawa kong bestfriend; si Althea at Sunny. Last year na ng college namin so kailangan na namin ayosin iyong mga sarili namin. Future na namin ang nakasalalay dito pero iyong future na iyon is yong sinabing dapat na maging future namin. Wala kaming naging desisyon don, pamilya lang namin. Hindi namin gusto ang gusto nila pero wala kang magagawa kung gusto mong maging mabuting anak sa kanila o ang ipagmalaki sa iba.
Alam namin na mahirap ang maging magulang pero sana alam din nila na mahirap ang maging anak. Kapag nagkamali ka imbes na bigyan ka ng courageous words, idodown ka pa. Dapat ganito, dapat ganyan. Hindi nila alam, heto lang ako. Hays!
Nakarating na ako sa university na papasukan ko. Naghahanap ako ng slot sa parking area. Lucky day! Nakahanap naman agad ako kaya nagmadali ako para hindi ako maunahan. But....
"Shit!"
Napasigaw ako kasi may bumangga saakin sa harapan. Sisingit pa kasi, e nauna naman ako. Nakakainis! Akala ko lucky day ko na, may malas pa na bumangga!
You need to calm down, remember? Kailangan hindi ka na naman makagawa ng ikakatalsik mo! Kausapin muna natin sa mabuting usapan.
Lumabas iyong driver ng sasakyan na bumangga saakin kaya bumaba na rin ako. Wow, gwapo ha. Napasabunot siya sa buhok niya at galit na humarap sakin.
Kasalanan ko ba na tanga siya at di ako nakita! Nauna ako-no, calm down! Walang magagawa kung sasabayan ko init ng ulo nya! Mukhang masama ang gising kaya ganyan.
"Hoy!" Nanlaki mata ko kasi dinuro't sinigawan niya ako. "May driver licence ka ba ha!?" Of course I have!
"Wait nga lang! Pwede ba na huwag mo kong sigawan? Ikaw ang may kasalanan kaya tayo nagkabanggaan!" sagot ko sa kanya.
"What? Bayaran mo yan o patatanggalan kita ng lisenya!" sigaw nya pa ulit.
May ilang estudyante ang nakatingin na samin. Bumubulong pa nga, e.
"Ok fine! Ipapaayos ko 'yang sasakyan mo," sabi ko at pumasok na sa sasakyan ko.
Umatras ako at humanap ng ibang pwedeng paradahan. Nakahanap naman agad ako. Lumabas na ako at naglakad papasok ng mismong campus. Nakasalubong ko siya at sobrang sama ng tingin sakin.
"What?!" singhal ko.
"Di pa tayo tapos!" sigaw niya. Inirapan ko na lang siya. Shocks! Napakababaw niya. Mukhang di naman ganoon kamahalan yong sasakyan niya kung makaangal.
Umalis na siya at naunang pumasok. Papasok na rin sana ako nang may humila saakin.
"Oh my God! Sino yon?" tanong ng humila saakin, Sunny.
"Ewan ko," sagot ko sa kanya.
"Ano bang nangyare?" tanong naman ni Althea.
"Nagkabanggaan kami." sagot ko.
"Then?"
"Sabi ko ipapagawa ko yong sasakyan nya kahit siya naman ang may kasalanan! Nagpakakumbaba na lang ako kasi ayoko makagawa ng ikakapahamak ko!" sagot ko habang naglalakad na kami papasok.
BINABASA MO ANG
When We Met The Bad Boys
Fiksi Remajawhen the three pretty girls meets the three bad boys. /kung cliché agad yong iniisip nyo sa istoryang ito, nagkakamali kayo. dahil mas cliché pa ito sa iniisip nyo! yuck! first story ko ito. isinulat ko ito noong 2013, ngayon ko lang ipapublish kasi...