chapter 12

8 3 0
                                    

Sunny's POV

Alam ko sa sarili ko na masaya ako kasama si Moon. Sa araw-araw ba naman na sinusundo niya ako at sa bawat hapon na magkasama kami. Hindi siya nauubusan ng salita na nagpapaalala na mahal niya ako. Hindi siya napapagod na sabihin na ako lang ang babaeng minahal niya nang ganito bukod sa Mama't Ate niya. Lagi akong surprised kapag siya iyong kasama ko.

Iniisip ko tuloy, paano kung mapagod siya? Paano kung ayaw na niya? Paano kung pinapaasa lang pala niya ako? Paano kung palabas lang pala lahat ng ito? Fcking how's!

Noong isang araw pumunta kami sa hindi na naman pamilyar saking lugar pero isa iyon sa pagsasama namin na hindi ko makakalimutan. Maraming bulb lights sa paligid, classical music na masarap sa taenga at masarap na pagkain. Bukod don mas lalo ko pa siyang nakilala. Nagkwento siya sakin tungkol sa pamilya niya. Masaya niyang kinuwento sakin iyong love story ng magulang niya. Kinikilig nga ako habang pinapakinggan siya.

His father was a gangster before. They became enemies but things has changed and they became lovers. Walang nakapaghiwalay sa kanila kahit pa magkaiba sila ng mundo. Mayaman ang pamilya ng Mommy niya habang ang Daddy niya umaasa sa scholarship na binigay ng Gang na sinalihan niya. Matalinong ang mga magulang niya kaya narating ang nila ang hindi marating ng iba. In other words, they became successful. Marami raw nangyare bago magpakasal ang magulang niya. Maraming hadlang but their love to each other was so strong. Hindi natinag. Hindi sila maipaghihiwalay. Mas naging matatag daw sila nang dumating ang Ate niya, Star Jane Castillo.

Nakangiti at kinilig ako habang nakikinig sa kanya. Sabi niya pa, he wants that kind of love story and we're the main characters. Mamahalin niya ako at mamahalin ko siya.

I always wanted to say my "yes" to him but I am not yet complete. May takot pa rin na baka masaktan na naman.

Yesterday. I have waited for him for so long. Nagtetext ako pero walang reply. I thought we have plans but he cancelled it without telling me. Umuwin ako mag-isa at tumigil na sa pagttext sa kanya. Pinatay ko pa iyong phone ko para hindi na mag-alala o mangamba. Nilunod na naman ako ng kung anu-anong tanong sa isip ko. Mga Whats, Whys and Hows ko. Hindi na siguro mawawala sakin iyon.

Kanina kinausap niya ako. He was worried. I just smiled as if everything was okay even it's not. Nagexplain siya na sinundo niya iyong magulang niya. Biglaan daw kaya hindi na niya nasabi sakin. Sinabi ko na lang na ayos lang at naiintindihan ko kahit pwede kung isumbat na bakit hindi man lang siya nagtext para hindi ako nag-aalala at nag-iisip ng kung anu-ano. Pero hindi, hindi ko iyon gagawin kasi hindi pa kami.

Tapos dumating na sila Yuri habang nagtatakbuhan. Binato kami ng balloon kaya nakisama na rin kami. Then iyong nangyareng aksidenteng pagbato ni Yuri sa Dean ng building namin. Lahat kami naestatwa sa nangyare.

Lahat kami nakayuko habang nasa harapan namin iyong Dean namin. Si Sir March. Nagpupunas siya ng mukha habang galit na galit.

"Ano bang trip nyo sa buhay, ha?!" galit na galit na sigaw niya. Nagkatinginan kami ni Yuri. Guilty at natatakot na. Kahit naman ako kasi baka maexpell na naman kami.

"Bakit naglalaro kayo sa hallway ng ano—whatever it is? Tapos isasali nyo pa ako sa laro nyo! Akala nyo nakakatuwa ha? Hindi na kayo mga bata para maglaro! Dapat alam nyo iyong limitasyon nyo bilang tao at isa pa, ano kayo elementary students?! Sagot!?"

"H-hindi naman—"

"Ano?! Sinasagot mo ko, ha?! I'm your Dean! Don't you all know that?"

"E, Sir! Sabi nyo sagot, e!" si Yuri pero nakita ko na sinaway siya ni Althea kasi si Sir March hindi na maipinta iyong mukha.

"I'm going to call all your parents," sabi ni Dean habang inaabot iyong phone sa tabi niya. Napasigaw naman kami para pigilan siya.

"Sir! Please! No!"

When We Met The Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon