chapter 5

15 4 1
                                        

Sunny's POV

Love isn't easy at all. Masasaktan ka at masasaktan. Unexpected at minsan, expected mo na pero pinagsasawalang bahala mo na lang. Love really hurts. In a reality, mararanasan mo muna ang sakit at hirap bago ang tunay na ligaya.

Akala ko non mararansan ko but I was wrong. I've been blinded by the magic of love without knowing that I'd get hurt sometimes. There's no perfect relationship na gustong gusto natin maranasan. Walang sakit. Walang hirap. Walang iyak. Walang bigo. Masaya lang at masarap.

Napag-isipan namin na iisang kotse na lang ang gagamitin kasi iisa na lang din naman iyong tutuluyan namin. Narating agad namin iyong campus kasi hindi naman traffic. Hindi nila ako tinanong kung okay na ako. Makikita naman nila iyon kaya di na napag-usapan pa.

Pagbaba namin. Nakita namin iyong tatlo. May hinihintay ata.

"Devils!" bigkas ni Yuri. Napaka-aga masisira iyong araw namin.

"Huwag na lang natin sila pansinin," sabi ni Althea. We all agreed!

Umiwas ako ng tingin at naglakad kami na parang walang nakitang busangot. Nang makatapat na namin sila humarang si Moon.

"Hey! Sunny and her friends," sabi niya nang nakangiti.

Tinignan ako ni Yuri at Althea tsaka sila humarap sa tatlo. I'm not comfortable, e. Hindi pa kompleto iyong loob ko sa closure na sinasabi ni Yuri. Kailangan ko pa ng time, siguro mga ilang saglit. Pagkatapos non siguro kakausapin ko na nang matapos na. But as of now, huwag muna. Iwas muna ako. Ako muna.

"Good morning, Moon and your friends. We need some space muna, ha? Kaya kung pwede tabi kasi napaka-aga para sirain iyong araw namin," ginamit pa ni Yuri iyong kamay niya para itsupi iyong tatlo nang maarte.

"Hoy! Hindi naman ikaw kailangan ng kaibigan namin kaya ikaw iyong tumabi! Ikaw ang nakakasira ng araw, di kami!" sagot ni Matt. Ano to? Mag-aaway na agad sila.

"Waw, Mister! Para sabihin ko na napakaganda ko naman para sirain iyong araw mo! Tandaan mo, lalake ka lang! Baka gusto mong pisain ko yang it—"

"Yuri!" suway ni Althea. Baka kung saan na kasi mapunta iyong usapan. "Please, maayos na pakiusap! Umalis kayo sa dinadaanan namin. Nakakaabala kayo!"

Nagulat ako sa maayos na paki-usap ni Althea. Mabangis talaga iyong mga kaibigan ko, e. Kapag hindi ko kaya nanjan sila para resbak sakin. They all have their back for me. Nakakatouch! Pero huwag maluha!

"Shut up! Hayaan mo munang magsalita iyong kailangan namin, pwede? At isa pa baka gusto mong makatikim ng—" si Bock.

"Ano?! Ha?!" hamon ni Althea.

"Gusto mo talaga?!" si Bock.

"Hoy! Huwag mo siyang ganyanin baka gusto mo ring mapisa iyang pinakatatago mo!" si Yuri.

"Hoy! Ang yabang mo akala mo akala mo kaya mo kami!" si Matt.

"Oo kaya namin kayo!"

"Talaga lang ha?! Baka magsumbong kayo!"

"Anong akala mo samin natatakot kami ha?!"

"Bakit hindi ba?! Mama? Saan ka na?? Mama?"

"Tandaan mo hindi porque wala kaming baya—"

Umalis na ako ron. Nakakarindi iyong bangayan nila. Gusto ko man may maibatong salita hindi ko kaya kasi nanjan iyong nakakainis na presensya niya. Pero napahinto ako nang hawakan niya braso ko at pigilan ako sa paglalakad.

"Sunny, please?" nagmamakaawa na sabi paki-usap niya.

"Moon, please rin! Huwag muna ngayon!" sabi ko. Sana naman maintindihan niya iyong simple kong sinabi. Ayoko nga siyang kausap muna diba? Ako muna. Sarili ko muna iyong iintindihin ko.

When We Met The Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon