chapter 3

10 4 0
                                    

Althea's POV

Hindi ko malilimutan iyong nangyare ngayon lang. Sobrang saya na nagawa mo iyong gusto mo, ng puso mo. At natutuwa pa ang mga nandon sa bar. Tumatalon, sumisigaw at nag-eenjoy.

Nakauwi na ako sa bahay namin. May ilaw pa sa loob. Sht, kinakabahan ako.

Pumasok ako sa loob at nakasalubong ko si Papa na ang sama ng tingin sakin.

"Bakit ngayon ka lang?! Anong oras na?!"

Halata sa boses niya iyong inis at disappointment. Napayuko na lang ako. Hindi ako makagawa ng dahilan sa harapan niya. Hindi ko masabi na may project kami, e first day pa lang ngayon. Hindi ko masabi na traffic, e hindi naman nagkakatraffic dito samin.

"Pumunta ka na naman ng bar? Nag-DJ ka?" tanong niya.

Nakagat ko iyong lower lip ko at tsaka dahan-dahang tumango. Tinignan ko si Papa. Nakita ko na iyong galit sa mga mata niya. Iyong ayokong nakikita kasi natatakot ako. Ayokong ibuntong niya sakin iyon kasi masasaktan ako.

"Hindi ba sinabi ko na sayo na huwag mo ng gawin iyang gusto mo? Kaya nga pinasok kita jan sa course na pinapasukan mo ngayon kasi iyon yong magbibigay sayo dereksyon! Tapos magd-dj ka? Sasayaw ka? Sinasayang mo iyong buhay na binigay namin sayo?! Iyong pera na pinaghihirapan namin ng Mama mo?! Naalala mo naman iyong nangyare sa kuya mo, di ba?!"

Hindi ko na napigilan iyong pagtulo ng luha ko. Nasasaktan ako sa sinasabi ni Papa, nila. Kinokontrol nila iyong buhay ko. Hindi nila ako hinahayaan sa gusto ko. Nag-eexpect sila ng sobra sakin at kapag pumapalpak ako, katangahan na iyon sa kanila. I want to live free. I want to pursue my own dreams. Pwede ko naman maging career iyon, e.

Dumagdag pa sa bigat ng dibdib ko iyong tungkol sa Kuya ko. Matagal na iyon nangyare pero hindi pa humihilom iyong sugat ng pagkawala niya. Dancer si Kuya Elmo. May grupo siya at lahat ng contest sinasalihan nila. Kasi iyon yong pangarap nila at hindi sila tumitigil hangga't hindi natutupad iyong pangarap na maging sikat na mananayaw sa buong mundo. Idol ko siya kasi he never give up. Naalala ko noong nanalo sila sa World of dance. Iyong kalaban nila nakaaway nila kasi sinasabi nila na daya iyong nangyare kahit hindi naman. Sa hindi inaasahan, napatay iyong kuya Elmo ko. Bugbog sarado at halos hindi na makilala iyong mukha niya sa dami ng suntok. Kaya simula non, hindi na nila kami hinayaan na magdesisyon sa buhay namin.

"Hindi ko iyon nakakalimutan, Papa. Dala-dala ko pa rin iyong sakit pero tanggap ko na, sana kayo rin Pa!" sagot ko sa kanya. "Pero iyong pangarap ko hinding hindi ko 'yon pwedeng kalimutan Pa! Passion ko yon! Don ako masaya."

"Ikaw lang din ang naglalagay sayo sa maling direksyon!" sabi niya.

"Hindi! Alam kong tama ako! Nasa tama ako, Papa," umalis na ako sa harapan niya.

Ayoko nang mapahaba pa iyong sagutan namin. Umakyat na ako sa kwarto ko at humiga sa kama at don umiyak ng umiyak.

Simula nang mawala si Kuya Elmo naging ganon na si Papa. Laging mainit ang ulo at lagi sakin nagagalit. Hindi ko alam kung kelan ba ako naging tama sa kanya.

Kaya napaisip ko.....napag-isip kong lumayas sa bahay. Wala naman mangyayare kapag magmumokmok ako rito. Galit naman siya sakin at okay lang sa kanya iyon. Ipapakita ko sa kanya iyong nagawa nito sakin, ng talents ko.

Kinuha ko iyong maleta ko at kumuha ako ng mga damit. Tinupi ko at inilagay sa loob. Kinuha ko iyong passbook ko at IDs. Laptop at susi ng sasakyan. May upon naman ako sa bangko at sarili ko iyon. Lumabas ako ng kwarto ko, patay na iyong ilaw. Mainggat akong lumabas ng kwarto ko. Ganon din sa pagbaba. Pumunta ako sa garage. Tinulak ko muna iyong sasakyan palabas para hindi maingay. Pagkalabas ko, sumakay ako at minaneho iyon.

Nagmaneho ako papunta sa condo namin nila Yuri at Althea. Pagkarating ko don umakyat na agad ako sa 5th floor. Nang marating ko iyon, binuksan ko agad. Nagulat ako sa nakita ko. Anong ginagawa nila rito? Bakit sila nandito?

"Anong ginagawa nyo rito?" tanong ko. Halata sa mukha nila iyong lunkot. "Kayo rin?"

Tumango sila kaya lumapit ako para yakapin sila. Napaiyak kami sa kadramahan namin. Kaya ba kami iyong magkakaibigan kasi pare-pareho kami ng nagiging karanasan? Nakakatuwa isipin pero siguro nga.

Kinuwento nila iyong nangyare sa kanila. Katulad ng sa kanila ayaw din ng magulang nila sa mga gusto namin.  Pero isa lang nasa isip namin. Itutuloy namin iyong nasimulan namin.

May audition sa school para sa mga dancer. Sasali kami ron at ipapakita namin iyong kaya naming gawin.

When We Met The Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon