chapter 7

10 3 0
                                    

Yuri's POV

"Nakakainis! May araw din sakin iyong dalawang iyon!" Sigaw ni Althea. Inis na inis ang mukha. Kahit naman ako!

"Tutuhurin ko talaga sila!" sigaw ko rin.

Madilim sa bodega at sira ang ilaw. Napakarami pang lamok kaya todo hampas kami sa braso't binti namin dahil kinakagat kami. Kapag talaga nagkapantal ako, magiging kriminal ako. Inalagaan namin tong balat namin tapos papakagat kami sa lamok?!

Halos kalahating oras na kaming nandito. Hindi pa rin kami nakakalabas kasi sira iyong pinto tapos hindi pa macontact si Sunny. Nakasilent ata kaya hindi sinasagot? Aack!

Dumagdag pa sa init ng ulo ko iyong init sa loob nitong bodega. Tapos halos alikabok lang iyong nahihinga namin. Buti relax pa kami sa gitna ng gigil at in is kundi nawalan na kami ng malay sa panic. Ganon naman sa mga pelikula diba?

"Gusto ko na makalabas?!" lumapit ulit si Althea sa pinto at pilit na binuksan iyon. Pero hindi niya nabuksan kasi sira nga. Sa labas lang mabubuksan iyon. "Tulong! Tulong!"

Kapag talaga nakita ko sila humanda sila kasi ipapatikim ko sa kanila iyong sakit na ipinaranas ko sa mga nang-aasar samin. Babasagin ko talaga iyang iniingatan nilang ano. Hindi nila kami kilala. Kaya nga napaalis kami sa ilang school na napasukan namin e kasi lumalaban talaga kami at puro sila ang talo kaya sa huli parang kami ang may kasalanan. Tangina nila! Mali sila ng kinalaban! Nagiging demunyo kami minsan!

Gusto ko silang tirisin na parang garapata! Iyong tatalsik iyong dugo nila. Waah! Kahit anong masasamang isipin ko, hindi pa rin nakakatulong para makalabas sa bweset na bodega na ito!

Maya-maya lang nabuksan na iyong pinto. Nagulat iyong janitor na nagbuksan ng pinto samin. Agad kaming lumabas at hindi na pinansin iyong tinanong ng janitor kung anong ginagawa namin sa loob.

Parehong salubong ang kilay namin habang naglalakad sa hallway papunta sa classroom namin. Nanginginig ang kamao ko na nakayukom dahil sa gigil kay Matt Evan Leon!

Sisiguraduhin kong hindi ka na magkakaanak!

Narating namin ang classroom namin. Pumasok kami sa loob, napatingin samin iyong mga kaklase namin. Nagtataka. Pati iyong ulupong na sina Matt. Nandon na rin si Sunny kaharap si Moon. Magkausap sila.

Hindi ko maipaliwanag iyong mukha nina Matt at Bock. Parang inaasar kami pero natatakot. Dapat matakot sila!

"Hayop ka! Huwag ka na magkaanak!" lumapit kami ni Althea sa dalawa.

Hinila namin iyong kwelyo nila para mapatayo sila. Tsaka sabay namin na tinuhod iyong pinakatatago nila.

"Sht!" sigaw ni Matt sa sakit.

"Nak—hindi na ata ako magkakanak!" napahawak pa sila sa pagitan ng mga hita nila at napaupo sa sahig.

"Ayan yong napapala ng kumakalaban samin!" sabi ko at tsaka dumerecho sa inuupuan namin.

Nilabas ko iyong salamin. Sht! I looked shit!

Sunny's POV

Nagkasabay kami ni Moon sa paglalakad. Actually, hanggang sa pag-uwi. Nauna na sina Althea at Yuri para maligo raw kasi nanlalagkit na sila.

Hinanap ko sila kanina pero hindi naman sabihin nila Matt kung saan. Kahit si Moon di rin alam. Pare-pareho kaming nagulat sa pagpasok nila. Mukha silang sabog at galit na galit. Mas nagulat nga kami nong sabay nilang tinuhod iyong dalawa.

Natawa ako sa huli kasi sa reaksyon nong dalawa. Namilipit sa sakit, e. Hanggang sa pag-uwi hawak nila iyon. Maiiyak na nga si Bock, e. Bukambibig niya na hindi na raw sila mag-kakaanak nan kasi baka nabasag na ng tuluyan iyon. Nang matahimik, ipacheck na lang daw nila. Kaya ayon, nagmamadaling pumunta sa hospital para ipacheck. Curious tuloy ako. Charot!

When We Met The Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon