Yuri's POV
Iba talaga nagagawa ng pagmamahal no? Pagmumukhain kang blooming pero kadalasan, tanga.
Kanina na lumabas saglit iyong prof namin. May nag-aabotan ng papel. Akala ko nong una sagot iyong inabot pero nagkamali ako kasi nakita kong napangiti si Sunny or should I say kinikilig nga siya. Ganon din naman si Moon. Kinikilig sa ginagawa niya.
Gusto ko sanang pigilan kasi baka mahuli sila ng Prof namin pero pinili ko na lang na hayaan sila. Buhay nila iyan, e. Hanggang nga sa mahuli sila ng Professor at napagsabihan pang naghaharotan. Napapahiya silang nakayuko.
Nakikita ko kay Sunny na gusto niya pa rin si Moon pero nauunahan siya ng takot. She is afraid to commit again baka kasi masaktan na naman siya. Baka magkamali na naman siya. Baka pinapaikot lang siya ni Moon. Baka hindi pa ito. Para sakin kailangan nga nilang nag-usap para maayos iyong meron. Nakikita ko rin kasi kay Moon na mahal niya pa rin si Sunny at handa siyang gawin ang lahat para magkaayos sila.
Wala naman mali kung kailangan muna ni Sunny ng oras para makapag-isip siya. I guess she wants to find herself kaya ayaw niya muna. It's her decision anyway. Nandito lang kami ni Althea para suportahan siya.
"Hey, I'm so sorry," sabi ni Moon pagkatayo ni Sunny. Tumayo na rin kami.
"Nakakaasar ka!" sabi ni Sunny. Masama ang tingin kay Moon.
"Sorry," sabi ulit ni Moon. Kelan ba siya magsasawa sa kakasorry niya.
Ayaw namin ng puro sorry gusto namin nang may ginagawa!
"Huwag mo na akong idadamay sa kaharutan mo!" lumabas si Sunny ng pinto. Sumunod kami ni Althea.
Mamaya pa iyong next class namin kaya lang hindi namin alam kung saan pupunta. Pumasok sa isip namin sa library pero hindi naman kami geek. Sa cafeteria kaya lang hindi kami gutom at ayaw namin tumambay don. Kung pwede lang lumabas ng campus, e. Magmamall na lang kami.
"Saan tayo punta?" tanong ni Althea. "Napapagod na ako maglakad, e."
"Hindi ko alam," sagot ko. Tinignan namin si Sunny.
Silent. Malalim ang iniisip niya.
"Gusto mo bang pag-usapan?" simula ko.
"Nakakainis lang!" nagulat kami kasi napasigaw siya. "Alam naman niyang ayoko siyang makausap, e pinipilit niya pa. Nasaktan na ako sa ginawa niya noon, e at ayoko na magpakatanga sa kanya gaya ng dati! Naaasar ako sa mukha niya! Ano ba gusto niyang mangyare? Maging kami ulit! Waaah!"
"Easy lang, Sunny." sabi ko.
Nagulat kami kasi bigla siyang napahagulgol. Tinakpan niya ng dalawa niyang kamay iyong mukha niya. Nasasaktan. Nahihirapan. Hindi alam iyong gagawin.
"Mahal ko pa rin kasi siya, e. Hindi totoo na hindi ko na siya mahal. Niloloko ko na rin kasi 'yong sarili ko kapag sinabi ko na hindi ko na siya mahal. Natatakot din ako kasi baka sa tuwing mawala ako sa paningin niya meron siyang ibang halikan ulit. Ayoko nang maulit iyong sakit na nararamdaman ko noon," umiiyak na sabi niya. "How can I handle this pain?"
"Talk to him, Sunny. Like what I've said to you, closure! Kailangan nyo ng closure!" sabi ko sa kanya. "I couldn't lessen the pain but It'd help you to move forward from the past."
"I'm afraid. I wanna tell him what i feel but i don't know where's to start. I want him to dance with me but I'm scared cause if i hold his hand, I don't know if I can still get it," sabi niya. Dama iyong lungkot sa mga sinabi niya at; iyong sakit at hirap sa mga mata niya. "I don't know what to do! Hindi ko alam kung nagbago na ba talaga siya. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ulit nga sinasabi niya kasi masaktan ako, e."
BINABASA MO ANG
When We Met The Bad Boys
Teen Fictionwhen the three pretty girls meets the three bad boys. /kung cliché agad yong iniisip nyo sa istoryang ito, nagkakamali kayo. dahil mas cliché pa ito sa iniisip nyo! yuck! first story ko ito. isinulat ko ito noong 2013, ngayon ko lang ipapublish kasi...