Yuri's POV
Pumasok kami sa campus at dumeretso sa gymnasium. May audition kasi don para sa mga dancer at mag-au-audition kami. Pagpasok namin sa loob. Namangha ako. Maraming tao, iyong iba mag-au-audition at for sure iyong iba jan manonood lang. Nilibot ko iyong paningin ko at nakita ko iyong tatlo. Mag-au-audition din ba sila? Tignan natin.
Nagparegister kaming tatlo at pang-sampu kami. Umupo kami sa bandang harapan. Nanood kami ng performance. Sa napapanood namin, magagaling naman iyon iba. Minsan hindi sabay sabay at nahuhuli sa beat. Kulang sa practice at yong iba boring iyong sayaw. Yong iba naman parang pang-elementary.
Pangsiyam na aba't iyong TY na pala. Pagkaapak nila sa stage hiyawan na agad iyong crowd. Sinimulan na nila iyong pagsayaw. Magaling silang sumayaw at malambot ang katawan. Sa bawat hampas ng kamay at galaw ng paa nila, sabay-sabay. Yong music na ginamit nila maganda at yong bawat beat ng kanta nahihit nila. Yeah, magaling sila.
Nilingon ko iyong kasama ko, nakanganga sila. Aba!? Ako na nagsara ng bunganga nila habang okyupado ang mga mata as pinapanood.
Nagpalakpakan at hiyawan iyong mga nanonood. Tinignan ko iyong tatlo, nakangisi sila samin. Inirapan ko nga.
Kami na iyong pumunta sa stage. Nakasalubong ko namin iyong tatlo. Nakataas iyong isang kilay ko.
"Kita nyo yon?" mayabang na tanong ni Matt.
Pwede! Hindi namin sila pinansin at umakyat na lang sa gitna ng stage. Ako na sa gitna at pare-pareho kaming nakayuko. Hinihintay ang unang beat.
"One....two....three...break a leg, Gals!" ako.
Sa unang beat ng kanta. Maangas na inangat namin iyong mukha namin sa mga nanonood. Sinimulan na naman ang pag-indak. Kita sa mga mata nila iyong mangha. Sabay sa beat ng kanta ang galaw ng kamay at paa namin. Trained kami at masasabi ko na magaling talaga kami. Mayabang? E, kasi iyon yong totoo magaling kami.
Natapos iyong kanta namin at nagkakagulo iyong crowd sa tuwa. Nagtayuan sila sa mangha. Nakita ko iyong TY. Nakatingin lang samin si Matt, iyong kasama niya pumapalakpak. Pinagbawalan sila nang napansin ni Matt.
Umalis na kami sa stage. Next pa kasi malalaman iyong list ng matatanggap. Bumalik na kami sa klase namin kasi hindi pa naman tapos iyong araw namin.
Sunny's POV
Nang nakarating kami sa classroom nararamdaman ako ng kung ano—nababanyo ako.
"Gals, banyo muna ako," paalam ko. Tinignan naman nila ako.
"Samahan ka namin?"
"Hindi na," ngumiti ako't umalis.
Pumunta ako sa banyo. Medyo kalayuan kasi nasa dulo pa ng building namin tapos ground floor pa kasi hindi okay iyong cr don. Pumasok na ako sa loob at umihi. Pagkatapos ko, lumabas ako. Nagulat ako kasi nakita ko si Moon sa labas may hinihintay.
"Hey!" tinawag niya ako? O sa likod ko? Lumingon ako. Walang tao. "Ikaw tinatawag ko!"
"Kailangan mo?" tanong ko. Hindi siya umalis sa kinaroroonan niya.
"Ikaw." sagot niya kaya napatahimik ako.
Umalis na ako sa harapan niya. Nababadtrip lang ako nang makita siya. May mga taong hindi na dapat makita, e. At siya yon!
"Hey! Iniwan mo na naman ako kagabi!" nilingon ko siya.
"Na naman?" tanong ko. Pinagsasabi niya?! Gago!
"Oo! Like what you did before nong nasa Africa tayo!" ikinuyom ko iyong kamao ko.
May mga alaala na ayoko nang maalala kasi nasaktan ako. May mga alaala na pilit kong kinakalimutan para hindi na ako masaktan ulit. May mga alaala na hindi na dapat balikan pa kasi tapos na, ayoko nang masaktan pa dahil don.
BINABASA MO ANG
When We Met The Bad Boys
Fiksi Remajawhen the three pretty girls meets the three bad boys. /kung cliché agad yong iniisip nyo sa istoryang ito, nagkakamali kayo. dahil mas cliché pa ito sa iniisip nyo! yuck! first story ko ito. isinulat ko ito noong 2013, ngayon ko lang ipapublish kasi...