Althea's POV
Nagising ako sa biglang pag-ring ng phone ko. Hindi ko pala nailagay sa table ko kaya masakit sa taenga at madali na lang ang paggising ko. Ang sakit! Sht!
Napahilot ako sa sintindo ko dahil biglang sumakit pagkabangon ko. Kinuha ko iyong phone ko na walang tigil pa rin sa pagring. Si Bock.
Sasagutin ko ba?
Sinagot ko kahit wala ako sa mood. For sure naman kung hindi ko iyon sasagutin, uulitin niya yon at hindi titigil. Alam ko na yan, katulad ng mga nababasa ko. Hindi titigil iyong guy at patuloy sa pangungulit. Hanggang sa sagutin nong girl at ayon mag-aaway ulit sila and at the end of their story, they'd live happily ever after. Cliché.
"Ano ba?!" bungad ko.
"Problema mo?! Anong oras na!?" sigaw na sagot niya.
"Ikaw kasi nanggugulo, ang aga-aga!" sigaw ko through phone. "Wala ka bang relo, ha?! 8:45 am na!"
"Fck! Kanina pa ako naghihintay dito! Did you forgot our plan?!" Natahimik naman ako at napaisip. Ano bang plano namin ngayon? May date ba kami? Bakit !manliligaw ko ba siya—ay sht, oo nga pala! Yong about sa assignment namin. Pero wala naman siyang sinabing oras, ah. "Hey!"
"Wala ka namang binigay na or as, e!" Sumbat ko sa kanya. Narinig ko pa siyang napamura.
"Whatever! Dalian mo na! Sa pinag-usapan nating café," sabi niya pagkatapos ay pinatay na niya.
Agad akong kumilos para maligo baka kasi umalis na iyon don sa sobrang inip. Hindi na ako kumain pagkalabas ko, nakita ko si Yuri sa sala kumakain ng cereals. Nakita nya ako na nagmamadaling umalis.
"Punta mo?" tanong niya sakin.
"Sa Jim's Café, gagawa kami ng assignment namin. E, kayo nakagawa na?" tanong ko sa kanya.
"Matalino naman kapartner ko, kaya na niya!" Sabi niya. Napailing naman ako sa kanya.
"Sila Sunny kaya?" Tanong ko. Kumibit balikat lang siya sakin. Nag-alala tuloy ako bigla kasi baka hindi nila magawa dahil sa nangyare kagabi. Siguro kung gusto niya muna magsolo, tutulungan namin siya gumawa o kaya naman pwedeng isantabi muna nila iyong problema.
Umalis na ako at nagpara ng taxi. Hindi na ako nagdala ng sarili kong kotse kasi hindi naman ganon kalayuan. Nakarating naman agad ako sa lugar at natanaw ko sa glass wall si Bock na naghihintay. Hindi maayos iyong mukha at mukhang inip na inip. Nagtatap pa iyong daliri niya sa table, mannerism niya kaya yon? Ewan ko, bahala siya.
Lumapit ako sa pwesto niya sa may glass wall. Nasa labas lang ako at mukhang hindi niya ako nakikita kasi okyupado iyong mata niya sa ibang bagay. Siguro, pinagpapantasyahan niya iyong babaeng katapat ng table na inuupuan niya. Naku, womanizer.
Nilapit ko iyong mukha ko at itinapat siya mukha niya ma malapit sa glass. Ano kayang reaksyon nya kapag ginulat ko siya? Natawa ako sa naisip.
Kumatok ako at ngumiti ng sobrang laki sa kanya. Gulat siyang lumingon. Nanlaki iyong mga mata niya at halos mahulog na siya sa inuupuan dahil sa gulat. Napatingin sa kanya iyong mga tao at mahinang natawa sa reaksyon ni Bock.
Hindi ko mapigilan ang matawa. Kasi napaka-epic naman ng mukha niya kanina. Gulat na gulat, e. Akala no nakakita ng magandang multo. Jusko! Ewan ko sayo, Bock.
Masama iyong tingin niya sakin at sinesenyasan na pumasok na sa loob. Pumasok na ako sa loob habang natatawa pa rin. Pagkaharap niya sakin, ganon pa rin iyong tingin niya. Napakasma. Kung nakakamatay iyon, pinaglalamayan na sana ako. Maswerte tayo kasi hindi.
"Problema mo? Nang gugulat ka?" Iritang tanong niya. "Gusto mo lang sigurong halikan kita? Sabihin mo lang sakin, babe!"
Nagulat ako sa sinabi niya at for sure ako na hindi lang ako. Kahit iyong mga taong nandito sa café. E, kasi naman napakalakas ng pagkakasabi niya at may babe pa talaga? Hindi ba siya nandidiri? 2019 na, babe pa rin tawag niya sa mga babae. Yuck at sakin pa ha!

BINABASA MO ANG
When We Met The Bad Boys
Teen Fictionwhen the three pretty girls meets the three bad boys. /kung cliché agad yong iniisip nyo sa istoryang ito, nagkakamali kayo. dahil mas cliché pa ito sa iniisip nyo! yuck! first story ko ito. isinulat ko ito noong 2013, ngayon ko lang ipapublish kasi...