chapter 8

12 3 0
                                    

Sunny's POV

Nagising ako sa door bell. Ilan beses itong pinindot kaya naiinis na tumayo ako mula sa pagkakahiga. Tulog pa sila Yuri. Tinapos pa kasi nila iyong movie na pinapanood nila kagabi. Nakinood na rin ako kaya pare-pareho kaming puyat. Inaantok pa ako.

Kunot-noo na pumunta ako sa living room at binuksan amg pinto. Pagbukas ko ng pinto nagulat ako sa nakita ko. Anong ginagawa nya dito ng ganito kaaga?

"Moon?"

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Tinignan ko rin iyon sarili ko. Shit!

"Sexy mo pala," sabi niya.

Nakapanty lang ako at sando. Ganito kasi ako matulog at nakasanayan ko na.

"Sht! Wait!"

Sinara ko iyong pinto at mabilis na pumasok sa kwarto ko. Narinig ko pa siyang tumawa sa labas. Letse! Bakit hindi ko siya pinapasok sa loob? Maghihintay siya nan sa labasan. Shock!

Pumunta ako sa banyo at naligo.

Yuri's POV

Napabalikwas ako ng upo nang marinig ko iyong alarm clock ko. Omg! Agad akong tumayo para mag-ayos para sa pagpasok. Lumabas ako ng room ko at kumatok sa room ni Althea.

"Omg! Gising na Althea!" pansin ko kasi na walang tao sa living room o kahit sa kusina. Walang ingay, e.

Pumunta din ako sa room ni Sunny. Narinig ko iyong buhos ng tubig mula sa banyo ng kwarto niya.

"Hey Sunny! Bakit di mo kami ginising!?" Sigaw na tanong ko.

"Nagising lang ako sa door bell ni Moon!" sagot niya sakin.

Wala naman akong nakita sa living room na mukha ni Moon sa sala namin. Pinuntahan ko pa at inikot ko iyong paligid pero wala. Baka nasa labas?

Pumunta ako sa pintuan at binuksan iyong pinto. Nakita ko nga siya naghihintay doon. Nakasandal at crossed arms.

"Ginagawa mo jan?" tanong ko. Tinignan niya ako st ngumiti.

"Hinihintay si Sunny." sagot niya. Tumango-tango naman ako sa kanya.

"Ahh," sinara ko na ulit iyong pinto. Bakit kaya nasa labas iyon? Binuksan ko ulit yong pinto. "Bakit nasa labas ka?"

"Hindi ko alam kung bakit di nyo ko pinapapasok sa loob," sagot niya.

"Ahh," kaya pala. Sinara ko na ulit iyong pinto. Napapadyak ako sa narealize, bakit hindi ko papasukin? Binuksan ko ulit iyong pinto. "Pasok ka na."

Natawa naman siya.

"Iba talaga kayong magkakaibigan," sabi niya.

Inirapan ko na lang siya at sinara ang pinto pagkapasok niya. Pumunta ako sa kusina at binuksan ang refrigerator. Kinuha ko iyong ulam namin kahapon at iinitin ko na lang. Hindi naman ako naniniwala na pampaikli ng buhay ang init lang. Bumalik ako sa sala matapos ko ilagay sa microwave iyong pagkain.

Nakaupo si Moon sa sofa.

"Hey," bati niya nang makita ako na naupo sa isang sofa. "Bakit late kayo nagising?"

Pake niya ba?

"Pinagpaplanuhan kasi namin kagabi kung paano ka sisiraan," sagot ko.

"Hey! Foul yan!" nakasimangot na angal niya. Natawa ako. Jusko!

"Joke lang!" bawi ko. "Nanood lang kami kagabi at may pinag-usapan kung paano lulumpuhin ang mga gago mong kaibigan."

"Gago talaga?" natatawang tanong niya. Wala naman nakakatawa, tatawa.

When We Met The Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon